Responsive Ad

Dante Rivero binisto dahilan ng pag-tsugi sa kanyang role sa BQ: ‘No choice kami’

Dante Rivero binisto dahilan ng pag-tsugi sa kanyang role sa BQ: 'No choice kami'
PHOTO: Facebook/CCM Film Productions

PINATAY na ang karakter ni Dante Rivero bilang si Don Gustavo Guerrerro sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” dahil nagkaroon daw ng problema.

“Actually, nagkaroon kasi ng problema na hindi maiiwasan, so, no choice kami, no choice si Coco (Martin- director/actor) na kinausap kaming lahat na we have to end our episode, well, everything naman must come to an end naman. Tapusin ‘to ng mas mapapaganda para makita naman ng tao kung ano ‘yung expectation nila ay ibigay natin. Ibig sabihin ‘yung ang Coco Martin,” kwento ni Dante sa panayam niya sa Unplugged vlog ni Julius Babao.

Ibig namang tukuyin ni Dante o ni Don Guztavo na nagkaka-problema ay ang publicized issue ng ABS-CBN sa TV5 na hindi pa sila nakakasingil sa Kapamilya management ng utang na umabot halos sa isang bilyong piso.

Sa TV5 kasi umeere ang mga programang ASAP, Your Face Sounds Familiar, Roja, What Lies Beneath, at Rated Korina.

Baka Bet Mo: Matinding sikreto sa ‘Batang Quiapo’ isiniwalat na, serye hindi na aabutin ng 2026?

At bago naman nagtapos ang Disyembre ay binayaran na ng Kapamilya management ang TV5 at sa kasalakuyan ang mga programang nabanggit ay napapanood na sa ALLTV2.

May nabanggit pa ang veteran actor na para mas mapaganda pa ang nalalapit na pagtatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” ay ginamit na ni Coco ang sariling pera dahil nga limitado na ang funds nila.

Sey ni Dante, “Kung ano ang in-expect ng tao ginagawan niya ng paraan talaga.  Kung minsan nga may mga pagkakataong kailangan naming i-reshoot o dagdagan ang eksena, he’s willing to (shell out) sariling gastos kasi kung kailangang-kailangan kasi ‘yung mga tagahanga niya ayaw niya ng may nasasabi sa kanya.”

Sabi pa, “Kahit wala na ako sa Batang Quiapo, I’m still there. Ako’y nag-enjoy sa Batang Quiapo umpisa hanggang sa matapos kami, we are one family and we are one team. Mami-miss ko ang Batang Quiapo.”

At ngayong wala ng taping si Dante ay pupunta siya sa Amerika kung saan naroon ang anak niyang si Michael Rivero (dating artista).

“I might go to the States for a while para ipa-check ‘yung likod ko.  Sa taping kasi ng Batang Quiapo inaalalayan ako ng lahat kailangan nakaupo. Kaya lagi akong naka-upo, my back ache so much,” kwento ng aktor.

“Mahirap pag bumabata, e, kung anu-ano na ang nararamdaman,” birong sabi ni Julius.

Mapapanood ang kabuuan ng panayam ni Dante sa “Unplugged” sa YouTube.

The post Dante Rivero binisto dahilan ng pag-tsugi sa kanyang role sa BQ: ‘No choice kami’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments