Claudine sa mga kapatid: ‘Magulo man kami, but in grief we’re all united!’
SA kabila ng mga naging pampublikong alitan noon, iginiit ng aktres na si Claudine Barretto na nagkakaisa na umano ang kanilang pamilya matapos ang pagpanaw ng kanilang ina na si Inday.
Sa isang Facebook post ilang oras matapos pumanaw si Mommy Inday, ibinandera ni Claudine ang kanyang damdamin at mensahe para sa kanyang mga kapatid.
“To my brother [and] all my sisters, thank you,” panimula ng aktres habang tinutukoy ang kanyang mga kapatid.
“Magulo man po kami but in grief we are all united. We all did our part—JJ, Michie, Gia, G, Marjorie [and] all the apos pati apo sa tuhod. Pantay-pantay inalagaan ang mommy,” sey ni Claudine.
Baka Bet Mo: Claudine Barretto, Joaquin ibinandera huling sandali kay Mommy Inday
Wika niya, “We choose peace over everything.”
Nagpaabot din ng pasasalamat ang aktres sa lahat ng nagpadala ng dasal at pakikiramay sa kanilang pamilya.
“We don’t need flowers. Your prayers all mean the world to each [and] everyone of us. Maraming salamat po sa inyong lahat,” saad niya.
Sa huling bahagi ng kanyang post, nagkaroon ng mensahe si Claudine para sa kanyang yumaong ina at tiniyak na magiging maayos ang kanilang pamilya sa kabila ng matinding lungkot na iniwan ng pagpanaw nito.
“We are Inday Barretto’s children. The strongest, most loving mother anyone could ask for,” ani ng aktres.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fclaudinebarretto45%2Fposts%2Fpfbid02mWfrBwm3dKoaZF4r52B1SxTeCL7rFL8J48My593WSpvjroM6EjorB7cavzvyKoKDl&show_text=true&width=500" width="500" height="285" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Pumanaw si Mommy Inday noong Huwebes, January 29, sa edad na 89.
Hindi pa agad isinapubliko ang sanhi ng kanyang pagpanaw.
The post Claudine sa mga kapatid: ‘Magulo man kami, but in grief we’re all united!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments