Responsive Ad

Will Ashley, Mika Salamanca totoong magdyowa na raw, bawal umamin?

Will Ashley, Mika Salamanca  totoong magdyowa na, bawal umamin?
Bianca de Vera, Dustin Yu, Mika Salamanca at Will Ashley

TRUE nga ba ang chika na magdyowa na raw ngayon ang ex-“PBB Celebrity Collab Edition” housemates na sina Will Ashley at Mika Salamanca

Napag-usapan ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Will at Mika sa isang episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube vlog kamakailan.

“Nakarating lang sa aking kaalaman, at gusto na rin nating itanong sa kanila, kasi nga nag-aaway-away yung WillCa saka ‘yong DustBia, sino ba ang mas mapalad kina Dustin at Will Ashley para sa puso o para sa nag-iisang puso ni Bianca. 

“Nag-aaway-away ‘yang mga ‘yan,” ang pahayag ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz.

Ang WillCa na tinutukoy ni Ogie ay ang tandem nina Will at Bianca De Vera habang ang DustBia naman ay ang tandem nina Dustin Yu at Bianca.

Matatandaang kanya-kanyang suporta ang mga DustBia at WillCa fans sa pelikulang “Love You So Bad” ng tatlong youngstar na isa sa naging entry sa Metro Manila Film Festival 2025.

Nabanggit ni Ogie sa vlog ang nag-viral na mga photos nina Will at Mika na kuha sa Hong Kong na naging kontrobersyal nga sa social media. Kaya naman maraming nagpalagay na may “something” na sa kanila.

Pero paglilinaw ni Mika, hindi raw talaga kasama sa Hong Kong trip niya si Will, at nakisabay lamang daw sa kanila ang Kapuso star.

Sey naman ni Mama Ogs, “Aba, may nakarating lang naman sa akin, at itatanong na rin natin, hindi namin kino-confirm dito, ha.

“Ako mismo bilang si Ogie Diaz hindi ko kino-confirm ito, pero may nakausap lang ako, at biglang sinabi na ‘confirmed’ ‘yong Will Ashley-Mika Salamanca.

“Na ano? Na may relasyon. Sabi ko, ‘Naku, ano kayang damdamin diyan ni Bianca? Kung totoo man. 

“Kung may alam siya o wala siyang alam. ‘Eh Mama Ogs, nagkakamabutihan naman na sila ni Dustin,’ sabi sa akin…’yon ang nakarating sa atin,” paglalahad ni Ogie.

Pagpapatuloy ng vlogger, “So hindi natin alam kung gaano ito katotoo, pero ‘yong nag-confirm sa atin, madalas ko nang nakakausap, wala pa siyang sablay. If ever na sasablay siya, dito, first time.

“So hayan ha, hindi po ako ang nag-confirm, meron lang akong nakausap, na sa akin kinonfirm na si Will Ashley at si Mika Salamanca ay playing sweet music together, kaya ‘yan ang dapat nilang linawin,” paglilinaw pa ni Ogie.

Bukas ang BANDERA sa magiging paglilinaw nina Will at Mika hinggil sa naging mga pahayag ni Ogie Diaz.

The post Will Ashley, Mika Salamanca totoong magdyowa na raw, bawal umamin? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments