Robin Padilla kumasa sa random drug test: Pagiging tapat sa taumbayan
BOLUNTARYONG sumailalim ang action star at public servant na si Sen. Robin Padilla sa random drug testing.
Ito’y bilang pagpapakita raw sa sambayanang Pilipino ng pagiging tapat at magandang halimbawa sa kapwa mambabatas at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Sa kanyang official Facebook page, ibinahagi ni Sen. Robin ang isang short video kung saan mapapanood ang kusang-loob niyang pagpapa-drug test.
“Mahalaga ang pagiging bukas at tapat sa taumbayan.
“Ako po ay mapabilang sa random drug test, kusang-loob po akong sumailalim dito bilang patunay ng aking integridad at paninindigan sa pagsusulong ng medical cannabis,” ang nakalagay sa caption ng kanyang FB post.
Kung matatandaan, muling umingay ang panawagan na isulong na ang mandatory drug testing sa lahat ng opisyal ng pamahalaan, matapos ang kontrobersyang kinasangkutan ng opisina ni Padilla sa Senado.
Ito yung balita na naispatan umanong gumagamit ng marijuana ang kanyang staff at dating aktres na si Nadia Montenegro.
Pinabulaanan ng aktres ang alegasyong gumamit siya ng marijuana sa loob ng ladies’ room ng Senado.
Pero inamin niyang may vape siya sa loob ng kanyang bag at posibleng ito raw ang pinagmulan ng kakaibang amoy na ini-report ng staff ni Sen. Panfilo Lacson.
Ang sabi naman ng Malacañang hinggil sa mandatory drug testing sa lahat ng opisyal ng pamahalaan,
labag ito sa batas at posibleng masayang lang ang panahon at pondo ng gobyerno kapag naisakatuparan ito.
The post Robin Padilla kumasa sa random drug test: Pagiging tapat sa taumbayan appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments