Responsive Ad

Michelle, Rhian, Sam hindi pa kinakasuhan, bine-verify pa ng NBI

Michelle, Rhian, Sam hindi pa kinakasuhan, bine-verify pa ng NBI
Rhian Ramos and Michelle Dee, alyas Totoy, Sam Panlilio

WALA pang naisampang kaso laban kina Michelle Dee, Rhian Ramos, at Samantha Panlilio kaugnay ng reklamong pananakit umano na isinampa ng isang driver, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Paliwanag ni NBI spokesperson Palmer Mallari, patuloy pa kasi ang beripikasyon ng ahensya sa pahayag ni alyas na “Totoy,” na nagsilbing personal driver ni Rhian sa loob ng apat na taon. 

“If a complainant comes to us, it does not mean that we will believe the person’s testimony at once. We have to check the credibility and the truthfulness of the statement being offered by the victim or the complainant,” sey ni Mallari sa media, na iniulat ng INQUIRER.

Dagdag pa niya, kasalukuyang sinusuri ng NBI ang sinumpaang salaysay ni Totoy, base sa panayam at medical examination na isinagawa ng medico-legal team ng ahensya.

Baka Bet Mo: Pagtalon ng driver ni Rhian Ramos sa 39th floor umani ng debate, naniniwala ka?

Kapag nakakuha na raw ng sapat na ebidensya ng umano’y pang-aabuso at “torture,” Tsaka pa lamang bibigyan ng pagkakataon ang mga celebrity na magpaliwanag sa kanilang panig.

“Subpoenas may be sent later on for them to know that there is investigation. If we still don’t have evidence, we don’t have subpoena,” esplika pa ng NBI spokesperson.

Samantala, kaugnay naman ng illegal detention at assault na sinasabing ginawa ng ilang pulis ng Makati City, sinabi ni Mallari na bibigyan din ng NBI ng pagkakataon ang Philippine National Police (PNP) na magsumite ng kanilang paliwanag.

“Considering that there was an allegation of physical abuse and illegal detention, of course, we will give our counterparts in the PNP the chance to explain, if we see that there is evidence,” sey pa ng opisyal.

Batay sa reklamo, nagsumite si Totoy ng pormal na sumbong sa NBI noong Miyerkules, January 28, kung saan inakusahan niya sina Michelle, Rhian, Sam, at iba pa ng umano’y nang-“torture” sa kanya habang nasa condominium ng kanyang employer sa Makati City mula January 17 to 19.

Bukod pa rito, iginiit din ni Totoy na siya’y binugbog umano sa Makati City Police Station, kung saan siya raw ay ikinulong pa ng tatlong araw hanggang January 22.

Ang isyung ito ay sumunod sa kasong qualified theft na isinampa ni Michelle laban kay Totoy. 

Gayunman, ito ay ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office makalipas lamang ang tatlong araw dahil sa kakulangan ng ebidensya.

The post Michelle, Rhian, Sam hindi pa kinakasuhan, bine-verify pa ng NBI appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments