Responsive Ad

Gun, liquor, firecracker ban ipatutupad sa Maynila para sa Pista Ng Nazareno

Gun, liquor,  firecracker ban ipatutupad sa Maynila para sa Pista Ng Nazareno

TATLONG araw magpapatupad ng “gun ban” sa Maynila kaugnay ng paggunita sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno.

Magkakasa ang Philippine National Police (PNP) ng ilang regulasyon para matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng lahat ng makikilahok sa Pista ng Itim na Nazareno sa Biyernes, January 9.

Ayon kay PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez, magpapatupad sila ng “gun ban” sa Manila mula Huwebes, January 8 hanggang Sabado, January 10.

Ipatutupad din ang “liquor ban” sa buong siyudad sa mismong araw ng pista, January 9 pati na ang pagbabawal sa paggamit ng “firecrackers” at “pyrotechnic materials.”

May 18,212 uniformed personnel ang ipadadala para tiyakin ang kapayapaan sa naturang kapistahan partikular na sa magaganap na Traslacion.

“Alam natin na ang Traslacion ay hindi lang isang okasyon—ito ay isang malalim na panata ng milyon-milyong deboto ng Itim na Nazareno. 

“Kaya ang utos ko sa ating mga pulis, maging alerto, maging mahinahon, at higit sa lahat, maging makatao sa pagse-serbisyo,” pahayag ni Nartatez.

“These measures are purely preventive. Layunin natin na maagapan ang anumang banta at masigurong ligtas ang bawat deboto na dumadalo.

“Malaki ang hamon, pero handa ang PNP. Kasama ang iba’t ibang ahensya at ang kooperasyon ng publiko, kaya nating maging ligtas at maayos ang Traslacion 2026. 

“Patuloy naming hinihikayat ang mga deboto na makipagtulungan, sumunod sa mga alituntunin, at alagaan hindi lang ang sarili kundi pati ang kapwa,” aniya pa.

Samantala, idineklara naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isang “special (non-working) day” ang January 9, bilang pagkilala sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno.

Ito’y alinsunod sa Proclamation No. 1126 na inilabas ng Malacañang nitong Martes, January 6.

The post Gun, liquor, firecracker ban ipatutupad sa Maynila para sa Pista Ng Nazareno appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments