Responsive Ad

Payo ni Vice Ganda sa mga biktima ng cheater: Sampalin mo kasi bastos siya! 

Payo ni Vice Ganda sa mga biktima ng cheater: Sampalin mo kasi bastos siya! 
Vice Ganda

GAME na game na sinagot ni Unkabogable Star Vice Ganda ang ilang tanong ng netizens tungkol sa iba’t ibang hugot nila sa kanilang buhay.

Matapos ang winning moment ng TV host-comedian sa Metro Manila Film Festival 2025 Gabi ng Parangal kung saan nagwagi siyang Best Actor para sa “Call Me Mother”, nakipagkulitan si Vice sa mga fans.

Sa kanyang vlog na “Meme Nag-text” challenge, na hango sa pinasikat niyang iconic hirit na “may nag-text”, binasa at sinagot ni Vice ang ilang questions sa kanya ng mga netizens.

Unang text message na binasa niya ay ang tungkol sa kung paano raw maging wise sa paggastos ng nakuhang 13th month pay nitong holiday season.

Sagot ni Vice,, “Unang-una, mahirap ‘yan kung hindi ka naman talaga wise. Pangalawang tanong, magkano ba ‘yung 13th month pay mo? 

“Kasi kahit gaano ka magpaka-wise kung kaunti lang naman ang 13th month pay mo baka kulang pa ‘yan sa pangangailangan ng pamilya at buhay mo,” birong hirit pa niya.

Bigla namang sumeryoso si Vice at nagsabing, “Make sure you are happy spending it with anything. Maubos man ‘yung pera mo, naging masaya ka. 

“Kaysa naman ‘yung naubos ang pera mo pero nakanganga ka pa rin at malungkot ka pa rin. Just make sure you are happy,” sey pa ng komedyante. 

Next question mula sa isa pang  texter, paano raw magmu-move on kapah nabuking mo na ang “ka-talking stage” mo ay nakikipaglandian din sa iba.

 Sagot ni Vice, “Sampalin mo kasi bastos siya. Hindi na pwede ‘yung bait-baitan. (Kapag nasampal na sabay dialogue ng) ‘Ay? Masakit? Pasensiya na, ‘yan din kasi ‘yung naramdaman ko, eh.'”  

Tungkol naman sa mga aspiring comedian na nais sundan ang yapak ni Vice, “Huwag n’yo nang ituloy ‘yan! Nandito pa ako, eh. Huwag n’yo akong tanggalan ng trabaho. 

“Dahil ‘pag nadiskubre ang husay n’yo, baka mawalan ako ng eksena dito sa ABS-CBN,” birong chika pa ni Vice.

The post Payo ni Vice Ganda sa mga biktima ng cheater: Sampalin mo kasi bastos siya!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments