PAGASA: Magiging maulap, posibleng umulan sa kasagsagan ng Traslacion
WALANG bagyo, pero mataas ang tiyansa na umulan sa malaking bahagi ng bansa, kabilang na ang Maynila kung saan isinasagawa ang Traslacion.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa epekto ng tatlong weather systems.
Kaya naman, huwag kalimutang magdala ng payong at kapote kung may plano kayong lumabas ng bahay, lalo na ‘yung mga makikiisa sa mga aktibidad ng Pista ng Jesus Nazareno.
Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region at Northern Samar dahil sa Shear Line.
Baka Bet Mo: Coco Martin, Angeline, McCoy, Renee Salud matindi ang kapit kay Jesus Nazareno
Gayundin ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Eastern Visayas pero dulot ng Easterlies.
Ang Northeast Monsoon o Amihan ay magdadala ng maulap na kalangitan na may ulan sa Aurora, Bulacan, Laguna, Rizal, at Quezon.
Dahil pa rin sa Amihan, mararanasan ang mahinang pag-ulan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at natitirang bahagi ng CALABARZON.
May isolated light rains naman sa natitirang bahagi ng Luzon epekto ng parehong weather system.
At ang iba pang nalalabing bahagi ng bansa ay may panaka-nakang pag-ulan dulot ng Easterlies.
The post PAGASA: Magiging maulap, posibleng umulan sa kasagsagan ng Traslacion appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments