Responsive Ad

Win Gatchalian ‘non-existent’ ang lovelife, senyales na hiwalay na kay Bianca?

Win Gatchalian 'non-existent' ang lovelife, senyales na hiwalay na kay Bianca?
PHOTO: Instagram/@bianca manalo

USAP-USAPAN kung tuluyan na nga bang nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Sen. Win Gatchalian at beauty queen-actress na si Bianca Manalo.

Ito ay matapos magbigay ng maikling ngunit makahulugang pahayag ang senador tungkol sa estado ng kanyang pag-ibig.

Sa isang panayam ni Korina Sanchez noong Miyerkules, January 21, diretsahang tinanong ang senador tungkol sa kanyang love life. 

Simple ngunit matapang ang naging sagot ni Gatchalian.

Baka Bet Mo: Bianca Manalo binati si Donald Trump sa pagkapanalong US President

“It’s non-existent,” sey niya, na walang binanggit na pangalan ni Bianca.

Until now, wala pang pahayag ang bueaty queen-actress kaugnay sa estado ng kanilang relasyon. 

Kapansin-pansin din na hindi na nakikita ang senador sa mga recent Instagram posts ng aktres simula pa noong huling bahagi ng 2025.

Matatandaang nagsimula ang espekulasyon ng lamat sa relasyon ng dalawa noong December 2023 matapos madawit si Bianca sa isyung umano’y panloloko kay Gatchalian kasama ang kanyang “Magandang Dilag” co-star na si Rob Gomez. 

Umani ng matinding atensyon sa social media ang mga kumalat na screenshots ng private conversations umano ni Rob kina Bianca at Herlene Budol, na parehong may bahid ng pagiging intimate at plano raw na pagkikita sa magkahiwalay na pagkakataon.

Dahil dito, iginiit ni Bianca na may mga bahagi ng kanyang usapan kay Rob na “deleted” at ginamit umano sa masamang paraan upang magmukhang may malisya ang sitwasyon.

Sa gitna ng kontrobersiya, nanatiling tikom ang bibig ni Gatchalian ngunit tiniyak noon na susuportahan niya si Manalo.

Muling umugong ang tsismis ng hiwalayan noong January 2025, subalit umiwas si Gatchalian sa mga tanong hinggil sa kanilang relasyon.

“Alam niyo naman hindi ako nagko-comment sa personal life ko,” saad ng senador.

Nagsimulang mag-date sina Gatchalian at Manalo noong 2018.

The post Win Gatchalian ‘non-existent’ ang lovelife, senyales na hiwalay na kay Bianca? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments