Responsive Ad

Kris Bernal aminadong takot mawala sa showbiz: ‘Ayoko talaga!’

Kris Bernal aminadong takot mawala sa showbiz: ‘Ayoko talaga!’
PHOTO: Instagram/@krisbernal

NAGING honest at bukas ang Kapuso actress na si Kris Bernal tungkol sa tunay na dahilan kung bakit nananatili siyang aktibo kahit pa nagpahinga siya mula sa buhay showbiz.

Bagama’t huling nasilayan si Kris sa isang serye noong 2022, hindi naman talaga tuluyang naglaho sa fans ang aktres dahil patuloy siyang bumabandera sa social media.

Sa panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda,” aminado si Kris na may takot siyang mawala sa alaala ng mga tao kaya naman kahit nagiging abala bilang asawa at ina, pilit pa rin niyang pinananatiling buhay ang kanyang career.

“Sabi ko, ‘Ayoko talagang mawala. Kaya nga kahit nu’ng nanganak ako, kahit nu’ng nabuntis ako, nanganak ako, tina-try o pa rin maging active kung kaya,’” chika ng celebrity mom.

Baka Bet Mo: AJ Raval nag-fangirl sa tambalan nina Aljur Abrenica, Kris Bernal

Dagdag pa niya, napansin niya ring hindi na talaga nagki‑click ang mga show na dati niyang ginagampanan kaya nagkaroon siya ng mas malalim na pag-unawa sa pag‑unlad ng kanyang career.

“Parang feel ko, tinanggap ko na lang din din na ‘A, baka ito na ‘yung time na nagla‑lie low na rin ‘yung career ko, na ‘yung peak ng career ko was with Aljur, tapos ganito na ‘yung nangyayari’,” saad niya kay Tito Boy.

Ibinahagi rin ng aktres na hindi niya lubos maipaliwanag ang biglaang pag‑transition mula sa pagiging bida papunta sa mga kontrabida roles sa kanyang career. 

Hinala niya, dahil marahil sa kanyang itsura at napapansin niyang sobrang payat na siya kaya tila mas napapabilang siya sa mga negatibong karakter.

Sa kabila ng mga pagbabagong ito, ramdam ni Kris ang suporta ng kanyang pamilya at ng kanyang mga tagahanga habang unti‑unti niyang binabalik ang kanyang showbiz life sa pamamagitan ng mga bagong proyekto.

Kung matatandaan, pumasok sa showbiz si Kris matapos niyang manalo bilang Ultimate Female Survivor sa ika‑apat na season ng reality talent search na “StarStruck” ng GMA Network noong 2006.

Agad siyang sumabak sa mga teleserye at pinagbidahan ang iba’t ibang Kapuso drama, kabilang ang teen series na “Koreana” at pagkatapos ay ang “Machete.” 

Sunod naman niyang nakuha ang mga roles sa “Time of My Life,” “Hiram na Puso,” “Coffee Prince”, at “Prinsesa ng Buhay Ko.”

The post Kris Bernal aminadong takot mawala sa showbiz: ‘Ayoko talaga!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments