Responsive Ad

Ben&Ben nagpakilig sa bagong single na ‘Duyan’; Gabbi at Khalil ikinasal sa MV

Ben&Ben nagpakilig sa bagong single na 'Duyan'; Gabbi at Khalil ikinasal sa MV
PHOTO: Courtesy of Sony Music

TILA muling tinamaan ng feels ang madlang pipol, lalo na ang fans matapos ibandera ng Ben&Ben ang kanilang latest single na “Duyan.” 

Kasabay nito ang nakakakilig at touching music video na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia.

Sinulat at binuo ng frontman na si Miguel Benjamin, at prinodyus ng longtime collaborator na si Ziv kasama ang Ben&Ben, ang “Duyan” ay isang pop-rock ballad tungkol sa pag-ibig na hindi natitinag ng distansya, panahon, at pagsubok.

Dito ipinapaalala kung ano talaga ang tunay na pagmamahal na may lambing, may paninindigan, at may pangakong hindi bibitaw.

Baka Bet Mo: Paolo Benjamin Guico ng Ben&Ben ikinasal na sa longtime GF na si Rachel

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/ZFcWYt6-CyE?si=WqKSFQPeOCLVLVUc" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

Mas lalong naging senti ang kanta nang ikwento ni Miguel na isinulat niya ito tatlong araw bago ang kanyang kasal, habang mag-isa sa loob ng kotse. 

Laman ng kanta ang lahat ng gusto niyang sabihin sa kanyang noo’y magiging asawa.

“There are songs where artists write themselves in the music, and this is one of them,” sey ni Miguel.

Patuloy niya, “That day, the idea of fully offering oneself to another person stayed with me. It’s a love inspired by lifelong commitment, shared journeys, and selflessness.”

“More than anything, I realized that I was ready to make the promise before God. I felt it in the deepest part of my heart,” aniya pa.

Sa musika, sinigurado ng banda at ni Ziv na manatiling buo ang emosyon ng kanta habang pinalawak ang tunog ng banda na mas dama, mas malalim, at mas Ben&Ben.

Ang “Duyan” ang huling kabanata ng Mahiwaga Trilogy, ang serye ng mga kantang umiikot sa iba’t ibang yugto ng romantikong relasyon. 

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid0V9jtgbjNDd5FNxGqQ4vL7TwRj4f8b9UMrv8FcTHQLQSugb2wrUZ5FNu4EL92GzhSl&show_text=true&width=500" width="500" height="710" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Nagsimula ito sa “Pagtingin” na tungkol sa unang kiliti at infatuation, sinundan ng “Araw-Araw” na nagsasalaysay ng araw-araw na pagpili sa minamahal. 

Ngayon, tinatapos ng “Duyan” na kwento sa temang panghabambuhay na pangako.

“Two years after I wrote the song Duyan and kept it as a very personal part of my life, it made sense for it to be put out there,” sambit ni Miguel.

Chika pa niya, “It also made sense for it to be the conclusion of the trilogy of songs/videos Pagtingin and Araw-Araw.”

Mas lalong espesyal ang music video dahil muling bumalik sina Gabbi at Khalil, na bida rin sa mga naunang installment ng trilogy. 

Para kay Khalil, isa itong full-circle moment para sa kanilang dalawa.

“Thematically, it’s beautiful to see how the story progressed since Pagtingin,” wika niya.

Pagbabalik-tanaw pa ng aktor, “I vividly remember how we shot those two videos, and the film LSS. Gab and I grew alongside these songs. At every stage of the trilogy, we could deeply relate to it, because it reflected the different phases of our own relationships through the years.”

Hindi rin napigilang purihin ni Miguel ang dalawa. 

Ayon sa kanya, espesyal ang muling pagtatrabaho kasama ang longtime friends na sina Gabbi at Khalil na puno ng kwentuhan, alaala, at bagong memories.

Sa direksyon ng Lunchbox Studios sa pamumuno ni Daniel Aguilar, hatid ng wedding-themed music video ang mala-panaginip ngunit makatotohanang pagtatapos ng trilogy. 

Ang “Duyan” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide via Sony Music Entertainment.

The post Ben&Ben nagpakilig sa bagong single na ‘Duyan’; Gabbi at Khalil ikinasal sa MV appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments