Ysabel Ortega nagka-trauma sa elevator; extra challenge sa ‘SRR Evil Origins’
MATINDING challenge para sa Kapuso actress na si Ysabel Ortega ang gumawa ng horror movie dahil sa totoong buhay daw ay sobrang matatakutin siya.
Kaya naman “challenge accepted” nang bonggang-bongga ang peg ng dalaga nang i-offer sa kanya ng Regal Entertainment ang “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins“.
Isa sa walong official entry sa Metro Manila Film Festival 2025 ang “SRR Evil Origins” na magsisimula na sa December 25 kung saan isa nga si Ysabel sa magbibida sa isang episode nito.
Nakachikahan ng BANDERA at ng ilang piling miyembro ng entertainment media ang anak ni Sen. Lito Lapid sa intimate presscon nitong nagdaang Martes, November 4, kasama ang ilan pang cast members ng “SRR Evil Origins” na sina Matt Lozano, Celyn David at Althea Ablan.
Kuwento ni Ysabel, “As in, magugulatin ako, matatakutin ako, hindi ko po alam kung bakit. I guess, takot lang po ako sa mga hindi ko nakikita, hindi nakikita ng mata.
“Siguro ‘yung isa sa mga pinakanakakatakot na experience ko kasi, ako po, may trauma po ako ng elevators,” pagbabahagi ni Ysabel.
“So, muntikan na po, palagi po akong nasasaraduhan kasi ng elevator. Hindi ko po alam kung timing ko po ba. Pero, halos palagi po.
“Wala pong pumipindot sa loob. Actually, ‘yun po ‘yung isa po, ‘pag papasok ka tapos wala pong nagho-hold ng open ng pinto. So, siguro ‘yun po.
“So, may isang beses, pumasok po ako sa elevator nu’ng bata ako. Tapos, hindi ako sinamahan ng nanay (dating aktres na si Michelle Ortega) ko, parang naiwan ‘yung nanay ko.
“So, naiwan po akong mag-isa. Tapos, kung saan-saan na po ako dinadala ng elevator (taas-baba),” ang chika pa ni Ysabel.
“Pero, feeling ko maraming may gustong gumamit (ng elevator). Pero, as a kid na mag-isa, sobrang takot na takot po ako noon. Tapos, ‘di ba may mga ibang horror films din na may mga kung anu-anong nangyayari sa elevator,” sabi pa ni Ysabel about her trauma.
Keribels naman ng aktres na matulog nang patay ang ilaw, “Natutulog po ako nang madilim, pero hindi po ako natutulog nang tahimik. Natutulog po ako na kailangan may music or may video akong pinapanood, may podcast.”
Bata pa lang daw ay talagang matatakutin na ang dalaga, “Parang ever since po I can remember, eh. Kasi ‘yung nanay ko rin po matatakutin eh. Opo, tapos sa mga maliit na bagay parang kunwari kung tatakutin mo ako na iiwan mo ako mag-isa sa isang kwarto.
“Takot din po ako sa ganu’n. Feeling ko kasi lumaki rin po ako na ‘yung mga pinsan ko lahat din puro lalaki. Tapos ako ‘yung isa sa mga bunso. So palagi po akong pinagtitrip-an. So lagi akong tinatakot, palagi po akong iniiwan,” pag-alala pa ni Ysabel.
Sa tanong kung ilang “Shake, Rattle & Roll” na ang napanood niya “Oh my gosh! ‘Yung mga iconic po lalo na po nu’ng bata ako.
“Pinapanood ko po kasi, like ‘yung sinabi ko kanina, sa multo hindi talaga ako takot, eh. Pero sa mga aswang, sa mga manananggal, ‘yung sa mga ganung myths, feeling ko kaya ko naman, eh.
“So, ine-enjoy ko siyang panoorin. Isa ‘yung Shake… sa mga nag-i-establish ng mga ganung classic movies. So, nai-enjoy ko ‘yung Shake, Rattle and Roll na panoorin. Kaya I’m so happy,” aniya pa.
In fairness, ngayon pa lang ay abangers na ang madlang pipol sa showing ng “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins” bilang bahagi ng 51st MMFF simula sa December 25.
The post Ysabel Ortega nagka-trauma sa elevator; extra challenge sa ‘SRR Evil Origins’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments