Miss Catering sa mga korap: Oras na para bawasan n’yo ‘yong mga ninakaw n’yo

MAGING ang social media personality na si Miss Catering ay hindi nakatakas sa hagupit ng Bagyong Tino.
Sa kanyang Facebook post nitong Martes, November 4, ibinahagi niya ang pasasalamat na maagang nailikas ang kanyang ina na may edad na.
Nabagsakan kasi ng puno ng niyog ang lumang bahay nila Miss Catering at masaya siyang wala na ang ina bago pa ito nangyari.
“Mabuti na lang na-evacuate si Inay sa bago naming bahay, kung hindi baka mabagsakan siya ng puno ng niyog malapit sa kwarto ko.
Baka Bet Mo: 66 katao nasawi sa Bagyong Tino – NDRRMC
“Baka hindi na siya makalipad,” pabirong sabi ni Miss Catering.
Nagpaalala rin ang social media personality na manatiling ligtas at alerto sa gitna ng bagyo.
Sa hiwalay na video post naman ay nagawa pang pagaanin ni Miss Catering ang sitwasyon.
“Mabuti na lang maaga pa lang pina-evacuate namin si Inay. Pinalipad namin siya doon sa bagong bahay namin. Kung hindi siya nag-evacuate, baka nabagsakan siya ng niyog. Madudurog ‘yong katawan niya, mahahati.
“Hindi na siya makakalipad tuwing alas dose, kasi mababagsakan siya ng landingan niya, ‘yong puno ng niyog diyan, landingan niya ‘yan. Kaya keep safe everyone, mabuti na lang at safe ang family ko, kompleto pa, naka-inventory,” sey pa ni Miss Catering.
Humirit rin ang social media personality sa mga korap at mga opisyal na dawit sa maanomalyang flood control projects, oras na para bawasan ang mga perang kinamkam nila mula sa kaban ng bayan.
“Oras na para bawasan n’yo ‘yong mga ninakaw n’yo. Magbigay naman kayo ng relief doon po sa mga naapektuhan ng bagyo. Ito na ang tamang panahon at oras para i-share n’yo ang blessing,” sabi pa ni Miss Catering.
The post Miss Catering sa mga korap: Oras na para bawasan n’yo ‘yong mga ninakaw n’yo appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments