Ogie Diaz may nabasa: ‘Sana hindi si Miriam Santiago ang kinuha ni Lord’
 
MARAMING sumang-ayon sa naging obserbasyon ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa naganap na Senate hearing hinggil sa mga maanomalyang flood control projects sa bansa.
Matapang na naglabas ng saloobin si Mama Ogs matapos niyang mapanood ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong September 1, kaugnay ng naturang kontrobersya.
Dito nga nangyari ang trending at viral na paggisa ng mga senador sa negosyanteng si Sarah Discaya patungkol sa kanyang mga kumpanya na gumaganansiya umano sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa kanyang Facebook post, binengga ni Ogie ang ilang senador na nasa hearing na aniya’y tila nataranta nang mapag-usapan kung anong taon nagsimulang makakuha ng government projects ang mga Discaya at iba pang contractors ng DPWH.
“Juice ko, yung ilan nating pinagpipitaganang senador, natataranta na pag ang pinag-uusapan ay nu’ng 2016 nangyari yung bidding-bidingan.
“Pwede ba, for once, wag n’yo namang kakalimutang nire-represent n’yo ang taumbayan.
“Kelan n’yo mare-realize na kailangan n’yo nang tumindig para sa bayan? Pag pinasok na ng baha ang bahay n’yo mismo? Napaghahalata naman,” simulang pahayag ni Mama Ogs.
Pagpapatuloy pa niya, “Saka ‘wag nating ikatwiran na wala tayong pakialam sa negosyo ng kamag-anak natin, na ni singko, hindi kayo nakinabang.
“Kamag-anak n’yo ‘yon na maaaring sumira ng pangalan n’yo in the future, hindi kayo magiging concerned? Hindi kayo magdyu-due diligence man lang?
“Again, ‘wag n’yo masyadong ipahalata kung para kanino kayo. Ang isipin n’yo eh yung nangyayari ngayon, hindi ‘yung future n’yo sa pulitika at yung kakapitan n’yo in the future ang iniisip n’yo,” ang matapang at may paninindigan pang pahayag ni Ogie.
Dagdag pa ng online talkshow host, “Sana, nare-realize n’yo na hindi na gano’n kataas ang tingin ng mga tao sa Senador at Congressman. Kaya dapat, kayo mismo ang nagbabalik ng respeto sa inyong posisyon.
“Juice ko, mangilan-ngilan na lang talaga ‘yung senador na sasaluduhan mo, dahil ramdam mo ang pagmamahal nila sa bayan. At totoong may alam sa batas.
“May nabasa nga akong comment, ‘Sana, hindi na lang si Sen. Mirriam Defensor Santiago ang kinuha ni Lord!’ Nabasa ko lang naman ito. Mga three times,” sey pa ni Ogie Diaz.
The post Ogie Diaz may nabasa: ‘Sana hindi si Miriam Santiago ang kinuha ni Lord’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
 
Post a Comment
0 Comments