Responsive Ad

Isko Moreno nagbabala, hindi kukunsintihin manggugulo sa Maynila 

Isko Moreno nagbabala, hindi kukunsintihin manggugulo sa Maynila 
Isko Moreno

HINDI pahihintulutan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga grupong magsasagawa ng kilos-protesta at manggugulo sa kanilang siyudad.

Ito’y matapos ngang pagbabatuhin ng isang grupo ng mga raliyista ang harapan ng opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Huwebes, September 4.

Ayon sa mga nag-rally, ito ang kanilang paraan upang ipakita at iparamdam sa mga opisyal ng DPWH ang kanilang galit at paniningil sa umano’y malawakang korapsyon kaugnay ng maanomalyang flood control project sa bansa.

Nagsalita si Mayor Isko sa isinagawang presscon kamakailan at nagbabala na hinding-hindi niya pahihintulutan ang mga protestang maninira ng mga opisina at properties ng pamahalaan.

Bukod pa rito ang mga magtatangkang sumira sa payapa at tahimik na pamumuhay ng mga residente sa Maynila.

“I already directed General Abad and the MPD, I will not tolerate mob rule in the city,” ang pahayag ni Yorme.

Aniya pa, “I will not allow disturbing, destroying offices of government and particularly, allow to destroy the peace of any individual residing in the City of Manila.”

Pagpapatuloy pa niya, “Kung gusto nilang ilabas ang kanilang mga hinaing at ang kanilang mga damdamin, malaya nilang magagawa iyon sa Maynila, doon sa aming mga freedom park.”

Mananagot daw sa batas ang mga raliyistang lalabag sa batas, “Matatanda naman na sila. Tingin ko naman, nakita ko doon, puro dise otso anyos pataas na, eh. 

“You are legally bound with your actions, violation of civil disturbance, violation of rights of any citizen.

“We are a nation and city under the rule of law. Karapatan ng taumbayan, nino man, na magkaroon ng pamayanang may kapanatagan. But I will not tolerate any mob rule under my watch,” sabi ni Yorme.

The post Isko Moreno nagbabala, hindi kukunsintihin manggugulo sa Maynila  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments