Bongbong Marcos nagdeklara ng dagdag holidays sa 6 na lugar

ABA, may dagdag na rason na naman para mag-party at magpahinga ang ilang kababayan natin!
Pinirmahan kasi ni Pangulong Bongbong Marcos ang anim na batas na nagdedeklara ng special holidays sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang mga bagong petsa ng walang pasok o kaya’y working holiday ay nasa ilalim ng Republic Act (RA) Nos. 12246 hanggang 12251 na pirmado noong August 29.
Baka Bet Mo: Save the date! Official list ng 2026 holidays, long weekends inilabas na
Narito ang listahan ng mga bagong holidays sa ilang lugar ng bansa:
Samal, Davao del Norte – March 7, special working holiday bilang foundation day.
Bansalan, Davao del Sur – Sept. 18, special working holiday, founding anniversary.
General Santos City – June 15, special non-working holiday, charter anniversary.
Balayan, Batangas – June 24, special working holiday para sa bonggang “Parada ng Lechon.”
San Juan City – Aug. 30, special working holiday para sa Battle of Pinaglabanan, unang major battle ng Philippine Revolution laban sa mga Kastila.
San Mateo, Rizal – Sept. 21, special working holiday bilang “Araw ng Bayan ng San Mateo.”
Mga ka-BANDERA kung mapapansin ninyo, karamihan ay working holiday na ang ibig sabihin ay may pasok pa rin pero may special significance ang araw.
Ngunit huwag mawawalan ng pag-asa dahil ayon sa batas, pwedeng maglabas ng proklamasyon ang presidente para gawing non-working holiday kung bet niya.
The post Bongbong Marcos nagdeklara ng dagdag holidays sa 6 na lugar appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
 
Post a Comment
0 Comments