Responsive Ad

Atom Araulllo humirit: Para naman kaming ipinanganak kahapon mga mamser!

Atom Araulllo humirit: Para naman kaming ipinanganak kahapon mga mamser!
Atom Araullo

HINDI na rin nakapagtimpi ang award-winning Kapuso news anchor at journalist na si Atom Araullo sa mas tumindi pang korapsyon sa Pilipinas.

Binanatan ni Atom ang ginagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga maanomalyang flood control project sa bansa kung saan pinaniniwalaang sangkot ang ilang politiko at government contractors.

Sa isang post ng Kapuso news anchor sa Threads, matapang niyang sinabi na  ang “cringe” raw ng ilang mambabatas at mga government official sa isinagawang pagdinig ng mga ito hinggil sa isyu ng korapsyon sa Pilipinas.

Mababasa rin ang komento niya sa isang Threads post kung saan makikita ang litrato ni Sen. Joel Villanueva habang naglilitanya sa Senado.

Hirit ni Atom, “Ang cringe ng performative outrage ng ibang mambabatas at opisyal natin. Eh sila naman yung nakikinabang sa korapsyon. 

“Para namang kaming ipinanganak kahapon mga mamser,” ang tila pang-ookray pa ng Kapuso broadcaster. 

Marami namang sumang-ayon sa naging patama ni Atom sa mga mambabatas. Narito ang ilan sa mga comment ng netizens.

“So true.. performance level ang performative outrage. Very artista levels. sarsuela lang puro palabas lng‍‍.”

“Cringe yung nagalit yung kapwa sa kapwa nya.”

“They make us fools but we aren’t. Kunyari kunyariang hearing pero baboo n nmn yan soon. Jusko kung di lng tlga ma redtag baka we follow Indonesia’s protest na din.”

“I cannot stomach Joel Villanueva who is a pastor pa? T*ng*na.”

“Magnanakaw rin ang nagtatanong sa isa pang magnanakaw. Isang malaking joke!”

“Kailan pa nagkaroon ng positive outcome yung mga hearings? Pansin niyo din po ba, madaming issue na nangyayari tapos may pa committee pa sila ending wala naman talagang nakulong, walang perang nabawi at walang kawatan na umamin. Circus lahat ang senado. Nakakalungkot!”

“like, the one’s interrogating are also corrupt. Ang hirap paniwalaan!! Independent Investigative Buddy talaga ang solusyon! “

“Puro grandstanding! Tapos ang nagtatanong mandarambong din na mahina comprehension.”

“Preach!!! Nakakagigil!!!”

The post Atom Araulllo humirit: Para naman kaming ipinanganak kahapon mga mamser! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments