Responsive Ad

Xian Gaza nangialam na naman ng buhay, BINI ulit ang pinuntirya

Xian Gaza nangialam na naman ng buhay, BINI ulit ang pinuntirya

MULI na namang umariba ang self-proclaimed “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza at ngayon ay muli na naman niyang tinira ang nation’s P-pop group na BINI.

Matapos ang kanyang pangunguna sa announcement sa pagbubuntis ng social media personality na si Bea Borres, ngayon naman ay ang personal na buhay naman ng BINI ang kanyang ini-expose.

Sa Facebook post ni Xian, nagbigay siya ng payo sa mga Gen Z matapos ang pag-amin ni Bea na buntis siya.

“Mga Gen Z, okay lang makipag-kant*tan as long as gumagamit kayo palagi ng condom upang hindi makabuo.

Baka Bet Mo:

Bandera IG

Kasunod nito ay ang pagbanggit ni Xian sa P-pop group.

“Lalong-lalo na doon sa isang member ng BINI na sobrang palaiyot,” sey niya.

Agad namang umani ng samu’t-saring komento mula sa madlang pipol lalo na sa mga Blooms, fandom ng BINI, ang naturang post ni Xian.

“Number 1 na tumakas sa Pinas para manira ng mga Filipino at pagkakakitaan. Dapat jan kay Gaza kasuhan ng mapabalik na sa Pinas,” sabi ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Blooms huwag na pansinin mga pinagsasabi ng demonyo na Xian na yun. Lungkot siguro buhay nun sirang sira na kaya magpapansin. Karma na bahala sa kanya. Focus na ulit sa Girls.”

“Kadiri lalaking ito. First si Bea Borres. Ngayon BINI naman. Performance lang ng Bini ang bayad. Their private lives, let them be. Di naman sila scammer gaya mo,” sey naman ng isa.

Samantala, sa mga hiwalay na posts ay patuloy ang mga sinasabi ni Xian laban sa BINI.

“SIKSIKAN… SOBRANG SIKIP… kabaligtaran nung isang member ng BINI,” sey ni Xian kalakip ang video ng isang bar na napakaraming tao.

Sa huli ay binanggit pa niya ang pangalan ng ilan pang members ng girl group.

“Hindi si Aiah. Hindi si Mikha. Hindi si Maloi. Ayan ha? Lima na lang,” ani Xian.

The post Xian Gaza nangialam na naman ng buhay, BINI ulit ang pinuntirya appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments