Responsive Ad

AJ, Aljur kumpirmadong may mga anak na, pagbubunyag ni Jeric Raval: ‘2 na apo ko!’

AJ, Aljur kumpirmadong may mga anak na, pagbubunyag ni Jeric Raval: '2 na apo ko!'
Aj Raval and Aljur Abrenica, Jeric Raval

MAY dahilan naman pala kaya ayaw munang gumawa ng pelikula ang dating Vivamax star na si AJ Raval.

Ito’y dahil may inaalagaan siyang dalawang maliliit pang anak nila ng aktor na si Aljur Abrenica.

Yes, yes, yes mga ka-BANDERA…coming from AJ’s dad na si Jeric Raval na nakapanayam namin sa pa-victory dinner ni Nunungan Lanao del Norte Vice Mayor Marcos Mamay dahil out of 10 nominations ng pelikulang “Mamay: A Journey to Greatness” ay nakakuha sila ng lima at dalawang special awards mula sa 73rd FAMAS Awards nitong Biyernes ng gabi, August 22, na ginanap sa Manila Hotel.

May agam-agam pa kami nu’ng umpisa kung didiretsuhin namin ng tanong sa aktor tungkol sa nababalitang buntis si AJ kay Aljur. 

Baka Bet Mo: AJ Raval tigil na talaga sa paghuhubad, sey ni Aljur: I’m proud of her!

Bagama’t ilang beses nang nabalitang buntis o may anak na ang dalawa ay wala namang pag-amin mula sa couple.

Pero tandang-tanda namin ay almost two years ago na namin itong na-blind item dito sa BANDERA tungkol sa sexy star na nanganak pero hindi aaminin dahil may kontrata pa noon sa isang movie outfit bukod pa sa nagbantang magde-demanda ang management agency ng aktres at pina-news blackout ito.

Pero hindi kami tumigil noon lalo’t matigas ang paninindigan ng aming source kaya isinusulat pa rin namin hanggang sa nawala na sa limelight si AJ dahil mas pinili nito ang tahimik na buhay.

Sey ng tatay niya,  “Ayaw na mag-artista kasi maramdamin ‘yun. Dinidibdib niya ‘yung mga namba-bash sa kanya, sensitive siya sa ganu’n. Sabi ko nga sa kanya (AJ), basta mainit sa kusina, lumabas ka, ‘di ba may kasabihan tayong ganu’n, e, ngayon napagkumpara niya, mas tahimik ngayon (wala sa showbiz).”

At kagabi sa victory dinner ng “Mamay: A Journey to Greatness” ay buong ningning nang nakwento ni Jeric na ayaw na nga mag-artista ni AJ na sa tuwing tatanungin niya ay nagme-make face.

AJ, Aljur kumpirmadong may mga anak na, pagbubunyag ni Jeric Raval: '2 na apo ko!'

Tinanong namin na baka pinipigilan siya ni Aljur, “Hindi naman.”

Dagdag pa, “Wala sa bahay lang siya. Tinatanong nga siya ng Viva, tinatanong din nu’ng sikat na artista baka pwedeng isama sa project, sinasasbi ko, walang sagot sabi lang (make face).”

At ang sagot niya kung kumusta na ang apo niya, “Malaki na sino do’n, 15 na ang apo ko.”

Binanggit ang pangalan ni AJ, “Ahh bata pa. Kakapanganak palang, eh. ‘Yung mga bali-balita noon, hindi naman ‘yun (sabay kamot sa likod ng ulo). Ngayon na lang, siyam (buwan palang).”

Tinanong namin kung sinong kamukha, “Ako!” mabilis na tugon ng aktor na natawa rin.

Tinanong namin kung babae o lalaki ang apo niya kay AJ na siyam na buwan na, “babae.”

Okay daw si Aljur kay Jeric at barkada ang turing niya sa tatay ng mga apo niya.

“Kasi pareho kami ng hilig, mahilig din siya sa laruan, eh (remote control),” saad ni Jeric.

At nabanggit nga namin na kaya ayaw na nitong mag-artista ay dahil gusto nitong alagaan ang mga anak na tila dinedma ng aktor na sa pakiwari namin ay baka kung ano pa ang masabi niya.

And true enough, nabanggit niyang, “Pag nasa akin ang mga apo ko, kalaro ko lalo na ‘yung apo kong lalaki, malaro ako sa lalaki, tapos ‘yung iba kong apo nasa Canada.”

Kami naman ang naguluhan dahil nabanggit ang apong lalaki, e, babaeng apo ang pinag-uusapang anak ni AJ kay Aljur, kaya may sumundot ng tanong kung ilan ang anak ng aktres.

“Babae (at) lalaki, dalawa na, tawag ko (sa lalaking apo), Al Junior,” nakangiting chika ni Jeric.

Kaya ang hirit namin kay Jeric, “For the record ay sino ang tatay nu’ng lalaki na panganay (anak ni AJ),”

Ang sagot ni Jeric sa amin, “Si Aljur.”

Hayan naka-dalawang tsikiting na pala sina AJ at Aljur, isang siyam na buwan at isang taon at halos apat na buwan na masasabing parehong baby pa talaga kaya siguro hindi na muna babalik sa showbiz ang aktres.

Inamin din ng aktor na hindi na sila gaanong nagkikita nina AJ at Aljur dahil magkaiba na sila ng subdivision.

“Dati isang subdivision lang kami tsaka few blocks lang ngayon sa Carmenville na sila sa Angeles (Pampanga),” pahayag ni Jeric.

Samantala, aminadong nanghihinayang ang nanalong Famas Best Supporting Actor sa anak dahil nga itinigil nito ang pag-aartista.

“Kasi nandiyan na siya, eh, but then ‘yun ang gusto niya tahimik lang,” saad pa.

Naniniwala ang tatay ni AJ na makakabalik pa ito sa showbiz dahil 23, “kaka-twenty lang niya.”

Hayan tinapos na ni Jeric ang haka-hakang buntis at may anak na si AJ Raval.

Ano kaya ang masasabi nina AJ at Aljur tungkol dito? Bukas ang BANDERA sa kanilang panig.

The post AJ, Aljur kumpirmadong may mga anak na, pagbubunyag ni Jeric Raval: ‘2 na apo ko!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments