P89.5-M jackpot sa Super Lotto 6/49 solong napanalunan ng taga-Quezon

SOLONG napanalunan ng isang residente sa Quezon Province ang mahigit P89 million premyo sa Super Lotto 6/49.
Binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang naturang lotto game
nitong nagdaang Martes ng gabi, August 19, 2025.
Maswerteng nahulaan ng naturang mananaya ang winning combination na 17-27-21-30-15-12 ng Super Lotto 6/49.
Siya lamang ang nakakuha ng mga naturang numero kaya solo niyang maiuuwi ang kabuuang jackpot prize na P89,548,070.20.
Ayon sa PCSO, nabili ng lucky winner ang kanyang winning ticket sa isang lotto outlet sa Bonifacio St. sa Gumaca, Quezon.
Pinaalalahanan naman ng PCSO ang solo winner na para makubra ang kanyang premyo, magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City.
Kailangan niyang iprisinta ang kanyang winning lotto ticket at dalawang valid ID.
Muli, nabanggit ng PCSO na ang lahat ng jackpot prize na lalampas sa P10,000 ay papatawan ng 20% tax, base sa umiiral na TRAIN Law.
Pahabol pa ng PCSO, lahat ng premyo na hindi makukuha sa loob ng isang taon, mula sa petsa ng pagbola, ay mapo-forfeit at mapupunta lahat sa kawanggawa.
Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.
The post P89.5-M jackpot sa Super Lotto 6/49 solong napanalunan ng taga-Quezon appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments