Isko may nabisto: Bumaha ng pondo pero bumabaha pa rin sa Maynila!

INILANTAD ni Manila City Mayor Isko Moreno ang bilyun-bilyong halaga ng flood control project sa Maynila nitong mga nagdaang taon.
Lahat ng nadiskubreng flood control project ng kampo ni Yorme sa kanilang lungsod ay natapos na raw pero hanggang ngayon ay matindi pa rin ang pagbaha sa Manila.
“This is the flood control project done in the City of Manila 2022, 2023, 2024 and 2025. Amounting to P14 billion done in Manila. Most of it, finished already.
“Bumaha ng pondo sa Maynila, bumabaha pa rin sa Maynila,” ayon sa alkalde sa naganap na press briefing nitong Miyerkules, August 27.
“Itong lahat ng ito ay walang permit sa lungsod. Yes, we are investigating them, and they are also being investigated by the Office of the President,” pambubuking pa ng mayor.
Sabi pa ni Isko, hindi lang daw mga taga-Maynila ang apektado ng malawakang pagbaha sa kanilang lungsod sa tuwing matindi at tuluy-tuloy ang pag-ulan.
“Bumuha ng pondo sa flood control sa Maynila (P14 billion) and yet the people of Manila, and those people studying, working, doing business, going in and out in Manila, continue to suffer with the flooding,” ani Isko.
Batay sa ulat, nasa 1,058 flood control project ang meron sa buong National Capital Region (NCR). Ang Maynila ang nakapagtala na may pinakamaraming bilang ng naturang proyekto na umabot sa 215 flood control.
Kasunod nito, kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa mga umano’y maanomalyang flood control projects sa bansa, sinabi ng Malacañang, sa utos na rin ni Pangulong Bongbong Marcos, na magpa-lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.
“Ipinag-utos ni Ferdinand Marcos, Jr. ang pagkakaroon ng lifestyle check sa lahat ng mga opisyal sa gitna ng imbestigasyon patungkol sa maanomalyang flood control projects,” ang sabi ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Claire Castro.
The post Isko may nabisto: Bumaha ng pondo pero bumabaha pa rin sa Maynila! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments