Responsive Ad

Zanjoe Marudo pang-best actor sa ‘How To Get Away From My Toxic Family’

Zanjoe Marudo pang-best actor sa 'How To Get Away From My Toxic Family'
Zanjoe Marudo, Susan Africa, Richard Quan, Leslie Lina, Juharra Asayo at Keena Pineda

TOTOO nga ang chika! Maganda, napapanahon at siguradong makaka-relate ang mga pamilyang Pinoy sa pelikulang “How To Get Away From My Toxic Family.”

Nabigyan kami ng chance na mapanood ang movie  na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo, kasama sina Susan Africa, Richard Quan, Sherry Lara at Nonie Buencamino, mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

Nagkaroon ng special advance screening ang “How To Get Away From My Toxic Family” sa SM The Block Director’s Club sa Quezon City recently na sinundan ng mediacon with the cast members.

Iikot ang kuwento ng pelikula sa buhay ng OFW na si Arsenio de Dios (Zanjoe) na umuwi ng Pilipinas makalipas ang limang taong pagtatrabaho bilang chef sa Dubai, United Arab Emirates.

Surprise ang pag-uwi niya sa Pinas ngunit siya ang nasorpresa sa mga natuklasan niya tungkol sa kanyang pamilya.

Talaga namang “toxic na toxic” ang dinatnan niya sa kanilang bahay – mula sa butangera niyang nanay na feeling tama palagi sa kanyang mga desisyon, sa kuya niyang lasenggo na napapabayaan na ang sariling anak, hanggang sa kapatid niyang estudyante na inuna ang paglalandi kaya nabuntis.

Habang pinanonood namin ang “How To Get Away From My Toxic Family” ay minumura talaga namin ang mga karakter nina Susan Africa at Richard Quan dahil sa pagka-toxic nila sa pamilya. In fairness, convincing ang kanilang acting kaya halos lahat ng nanonood ay galit na galit sa kanila after the screening.

 Pero siyempre, ang gusto naming palakpakan ay ang ipinamalas na acting ni Zanjoe bilang anak at kapatid na gusto nang sukuan ang kanyang toxic family. Ang galing-galing lalo na sa mga confrontation scenes nila ni Susan at Richard.

Hindi na kami magtataka kung ma-nominate at manalo ng mga award ang husband ni Ria Atayde para sa nasabing pelikula.

Sa presscon ng “How To Get Away From My Toxic Family” natanong si Zanjoe kung ano ang natutunan niya sa movie na maaari niyang i-apply in real life? 

“Yun talaga, e, para sa akin, yung boundaries. Kailangan mong mag-set ng boundaries. Kasi sa personal ko, hangga’t kaya ko, tutulong ako kung kailangan.

“At kung talagang maaapektuhan yung sarili kong pamilya o yung sarili kong mga pangarap sa buhay, siguro doon na ako magse-set ng boundaries na hanggang dito na lang,” aniya.

Nakaka-relate ba siya sa karakter niya bilang OFW din ang tatay niya at nasa ibang bansa na ang pamilya niya habang mas pinili niyang manatili rito sa Pinas?

“Kasi ako naman simula’t sapul hindi talaga ako doon sa…kapag may project ako, pag may character akong ginagawa, nahihirapan ako actually na humugot sa personal experiences.

“Oo, tama, nasa ibang bansa yung tatay ko. Doon siya nagtrabaho sa Amerika. At ngayon nandoon na rin ang tatlong kapatid ko. At doon na rin nagpamilya at nagtatrabaho.

“Hindi ko masasabi na may pagkakaparehas. Siguro iyong magkahiwalay kami nang matagal na panahon, mas doon ako naka-relate.

“At mas doon ko naramdaman iyong hirap, at saka iyong mga struggles kapag malayo ang pamilya. Lalo na pag magulang mo ay malayo sa iyo.

“Di ba, lumalaki kang, siyempre kulang ka sa guidance kahit paano. Nasa iyo yun, at doon na rin ako natutong maging independent sa maagang panahon,” sabi pa niya.

Ano naman ang advice niya kay Arsenio at sa mga taong tulad nito na may toxic na pamilya, “Mag-leave ka sa chat group. Ha-hahaha! Huwag ka nang magbasa ng chat group.

“Good job, Arsenio. Magkakaroon ka ng magandang karma balang araw dahil sa kabutihan mo sa pamilya mo,” sey pa ni Z.

Showing na ang “How To Get Away From My Toxic Family” sa July 30 sa lahat ng SM cinema.

The post Zanjoe Marudo pang-best actor sa ‘How To Get Away From My Toxic Family’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments