Driver nag-viral dahil sa ginawa sa pasahero sa kasagsagan ng baha

MARAMING na-touch at humanga sa ginawa ng driver ng isang ride-hailing service sa kanyang pasahero sa kasagsagan ng pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit-probinsya.
Isang netizen na nagngangalang Maxinne Villar Villamor ang nag-post sa social media platform na Threads ng naging karanasan niya nang ma-stranded sa baha dulot ng walang-tigil na pag-ulan.
Abot-langit ang pasasalamat ni Maxinne sa driver ng na-book niyang sasakyan dahil talagang nagtiyaga itong suungin ang siyam na oras na traffic sa North Luzon Expressway (NLEX) Balintawak para maihatid siya sa Valenzuela noong Lunes, July 21.
Kuwento ng pasahero, 6 p.m. siya sumakay sa kotse ng driver sa TriNoma Landmark sa Quezon City at bandang alas-3 na ng madaling-araw siya nakarating sa destinasyon niya sa Maysan, Valenzuela dahil sa sobrang traffic dulot ng pagbaha.
“Last night, I was stranded in NLEX Balintawak, tapos naka grab pa ako. Sobrang nahihiya ako dahil 6pm nya ako napick-up and halos 3am na kami nakarating ng valenzuela.
“I’m so thankful sa driver kasi never nya pinaramdam na nagsisisi siya na inaccept nya booking ko. Super bait pa nya, and lagi nag-aask if okay lang daw ba ako, if need ko daw food or water, then sabi ko okay lang ako,” ang bahagi ng post ni Maxinne.
Sobrang na-touch at super thankful daw ang pasahero nang bumaba pa ng sasakyan ang driver para bumili ng pagkain at tubig dahil nga ilang oras na silang bumibiyahe.
“Nagpaalam siya na lumabas, sabi nya makikibalita daw siya, tapos bigla siya bumalik sa car, saying ‘Ma’am may nagbebenta ng jollibee don 100 each’, and ako naman dali-dali na nagbigay 200 para kami dalawa makakain.
“Tapos nag ask siya, ‘wala ka tubig, Ma’am no?’ Tapos tumakbo na naman siya para bumili ng tubig. Pagbalik, may dala siya water and biscuits,” pagbabahagi pa niya.
“Tapos inooffer ko pa din ung jollibee, kasi nagi-guilty pa din ako na ako lang kakain, sabi nya, Ma’am okay lang ako, sanay ako sa ganito. So, no choice kinain ko yung food.
“To kuyang driver – super thank you, kundi dahil sayo di ako makakauwi knowing na babalik kapa ng Pasig,” sabi ni Maxinne.
Dahil sa pagmamalasakit ng driver na walang naging reklamo sa haba ng kanilang biyahe ay binigyan ni Maxinne ng P1,500 ang driver higit pa sa fare niyang P707.
Kasunod nito, bumuhos ang magaganda at positibong mensahe para sa driver mula sa netizens na ang ilan ay nagpadala rin ng tulong sa pamamagitan ng phone number na naka-post sa dulo ng Threads post.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens.
“Please inform kuya that he is receiving donations/tips from people because of his good deed. Kasi scammers will take advantage bec his number is posted.”
“Ma’am you should msg him na nagviral ang post mo and mention also na people are sending money sa gcash niya. Baka magtaka lang siya ang daming nagsesend ng pera sa gcash nya buy kidding aside your story is so inspiring. Salute kay kuya! ”
“Hello Kuya, if you’re reading this, please open a Maya account. @j.agapito I can see some comments na limit na ata Gcash mo. You deserve more, kuya! Thank you for choosing to be kind.”
Samantala, muling nag-post si Maxinne sa Threads matapos mag-viral ang kanyang kuwento, “Hello! Hindi ko ineexpect na magte-trending to. Alam na po ni kuya driver na nagviral sha, and nagcomment napo sha dito.
“I want to share lang this story, kasi bihira lang mga tao na ganito. Deserve ni kuya lahat ng blessings. Godbless po sa lahat!”
The post Driver nag-viral dahil sa ginawa sa pasahero sa kasagsagan ng baha appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments