Gupit pa more! 200 barbero nagtagisan ng talento sa Pablings Barber Battle 2025

GUMAWA ng kasaysayan ang kauna-unahang Pablings Barber Battle 2025 matapos magtipon-tipon ang halos 200 na mga barbero mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ibinandera sa engrandeng showdown na hindi lang ito tungkol sa galing sa paggupit, kundi sa pagkakaisa at pag-angat ng buong barbering industry sa Pilipinas!
Ayon kay Michael Padayao, Founder at CEO ng Pablings Barbershop, nagsimula ang lahat sa isang simpleng inspirasyon na nakuha niya sa Malaysia.
“Last 2023, nakita ko ‘yung unity ng barbering community sa Barber Expo Malaysia. Iba’t ibang bansa nag-u-unite sa isang adhikain para paangatin ang industriya. Sabi ko, sana one day madala ko itong event sa Pilipinas,” kwento niya sa eksklusibong panayam ng BANDERA.
Sey pa niya, “This is the perfect time for us to showcase ‘yung ganda ng industriya, ‘yung galing ng mga barbero sa Pilipinas na talagang top-notch and hopefully one day, ‘yung mga kababayan nating Pilipino, ma-consider na rin nilang barbering bilang profession.”
At makalipas ang dalawang taon, nabuo ang kauna-unahang open-to-public barber battle sa bansa.
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: 72-year-old crew sa Baguio inspirasyon sa sipag, tiyaga
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid0ZGb9qGiKnvpdehCFUXxZfy62jFh5ZVoTaeUVJJimHmff2FvEXdErtsXcg7DEmGpul&show_text=true&width=500" width="500" height="690" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Mahigit 200 barbero mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang sumalang sa tatlong kategorya: Classic Cut, Creative French Crop, at Creative Mod Cut.
Hati sa Pablings Division at Open Division, sinigurado ni Sir Michael na patas ang laban: “Pinaghiwalay ko sila para wala silang masabi na biased. So talagang makapante sila na malinis itong Barber Battle na ito, para hindi masayang ang effort nila.”
Narito ang kumpletong listahan ng mga naging kampeon sa nasabing kompetisyon:
PABLINGS DIVISION
Classic Cut:
- 2nd place – Joseph Garde
- 1st place – Harold Lingo
- Champion – Jonnel Dalayap
Creative French Crop:
- 2nd place -Welmie Calumba & Emmanuel Frayles
- 1st place – Algen Mungcal & Wezy Alolor
- Champion – Herson Quintero & Ken Bongat
Creative Mod Cut:
- 2nd place – Jonnel Dalayap
- 1st place – Jose Fano
- Champion – Dominic Gonzaga
OPEN DIVISION
Classic Cut:
- 2nd place – Ronel Race
- 1st place – Romel Reyes
- Champion – Ric Niegel Insular
Creative French Crop:
- 2nd place – John Winsan
- 1st place – Johnny Belga
- Champion – Jomar Cortes
Creative Mod Cut:
- 2nd place – Mhac Caadan
- 1st place – Rolly Sto. Domingo
- Champion – Jan Remetio Geronimo
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid02XZKLq4Q8K7qXxchRQsuK6rLZQ5Cry5BCMYbnU8iMtKWQiQ49RiEh6f8sizHS7ttal&show_text=true&width=500" width="500" height="690" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Ang lahat ng champion ay tumanggap ng tig-P15,000 cash at barber tools, habang may cash prize din ang 1st at 2nd placers.
Hindi lang kompetisyon ang nais ni Sir Michael dahil bitbit niya ang layuning pag-isahin ang mga barbero sa bansa.
“The title of our event is ‘Cut The Gap, Barbers Unite.’ Ibig sabihin, I want to cut the gap ng buong industriya kasi marami nang barber event…kaso I don’t see the connection, I don’t feel the connection so kaya ang ginagawa ko ngayon, Im making the stand,” sambit niya.
Paliwanag niya, “Lahat ng mga leaders na barbero, lahat ng malalaking branch, pag-u-unite ko ‘yan para sa gayon mas bumilis ang growth ng industry and mangunguna kami sa ganitong event kasi kapag nag-conduct ka ng ganitong event, makaka-inspire ka pa ng ibang barbero na mas magpagaling pa. Kasi baka sakaling masali sila sa event na ‘to –manalo, ma-showcase, and probably ma-represent nila ang Pilipinas sa ibang bansa sa berber community sa barber battle sa ibang bansa.”
Plano ng Pablings na gawing taunang tradition ang nasabing barber battle at ayon sa founder at CEO, “This is just the beginning, maliit pa ito sa nafo-foresee ko, sa navi-visualize ko.”
“‘Yung event na ginagawa sa ibang bansa, dadalhin ko rito para talagang at least ang buong Asia o buong mundo, makita na ang Philippine barbering industry ay nangunguna sa ganitong klase ng movement,” aniya pa.
Ang unang edisyon ng Pablings Barbers Battle ay hindi lang tagumpay sa eksena ng grooming, it’s a cultural moment.
Ito’y patunay na ang barbero ay hindi lang manggugupit, sila rin ay isang artist, leader, at inspirasyon.
The post Gupit pa more! 200 barbero nagtagisan ng talento sa Pablings Barber Battle 2025 appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments