Responsive Ad

Ruffa Gutierrez, Yilmaz Bektas nagpakilig, Herbert…selos yarn!?

Ruffa Gutierrez, Yilmaz Bektas nagpakilig,  Herbert...selos yarn!?
Yilmaz Bektas, Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista

PINAKILIG ng ex-couple na sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas ang madlang pipol mataoos magpalitan ng mensahe sa social media.

Patunay lamang ito na okay na okay na ang relationship ng dating mag-asawa matapos maghiwalay ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Nagsimula ang kulitan ng dalawa nang mag-react si Ruffa sa isang Instagram post ni Yilmaz ng tatlong fire emojis. Sa naturang litrato marami ang nagkomento na gwapung-gwapo at fresh na fresh ang ex-husband ni Ruffa.

Nag-reply naman ang Turkish businessman sa reakson ni Ruffa, “Why are you still following my pictures? Thank you for liking it (lightning emoji).”

Sumagot naman agad si Ruffa na tila naloka sa message sa kanya ni Yilmaz, “Because it’s the exact same photo you sent me. Check your messages please.”

Laughing emoji lang ang isinagot sa kanya ng dating asawa pero muli itong nag-post ng, “Because I want to get your opinion before publishing it.”

Maraming netizens ant nagsabi na bakit daw hindi na lang sila magbalikan dahil tiyak na ikatutuwa ito ng kanilang mga anak na sina Lorin at Venice.

“Maybe both are matured enough to get back together. lol my wishful thinking,” ayon sa isang IG follower ni Yilmaz.

Ngunit nag-react ang ilang fans at ipinaalalang magdyowa na sina Ruffa at Herbert Bautista.

Ikinasal sina Ruffa at Yilmaz noong 2003 at naghiwalay din noong 2007. Taong 2012 naman officially annulled ang kanilang marriage. 

Noong June, 2024 naman kinumpirma ni Ruffa na in a relationship na siya with Herbert. Pero nito lamang nagdaang buwan, sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” inamin ng aktres na may pinagdaraanan ang relasyon nila ni Bistek.

The post Ruffa Gutierrez, Yilmaz Bektas nagpakilig, Herbert…selos yarn!? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments