Long weekend? 2 holidays inaabangan ngayong Agosto

MUKHANG looking forward na ang madlang pipol sa dalawang holiday na paparating ngayong buwan ng Agosto!
Unang ipagdiriwang ang Ninoy Aquino Day sa August 21, Huwebes, bilang pag-alala sa ika-42 anibersaryo ng pagpaslang sa dating senador.
Isa itong special non-working holiday.
Baka Bet Mo: LIST: Official ‘holidays’, special non-working days para sa taong 2025
Kasunod nito ang National Heroes Day sa August 25, Lunes, para parangalan ang katapangan ng hindi lang isa, hindi lang iilan, kundi lahat ng mga bayani ng Pilipinas na lumaban at nagsakripisyo para sa bayan, hustisya, at kalayaan.
Isa naman itong regular holiday.
Idineklara ang dalawang holiday sa bisa ng Proclamation No. 727 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong October 30, 2024.
The post Long weekend? 2 holidays inaabangan ngayong Agosto appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments