Responsive Ad

Arjo namigay ng tinapay sa mga pulis na nagbantay sa SONA; Sylvia proud sa anak

Arjo namigay ng tinapay sa mga pulis na nagbantay sa SONA; Sylvia proud sa anak
Arjo Atayde at Sylvia Sanchez

MAGKATULONG na naghatid ng tulong ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde sa mga taga-Quezon City na nasalanta ng bagyo at habagat.

Sa pamamagitan ng kampanyang Aksyon Agad, pinangunahan ni Quezon City 1st district Congressman Juan Carlos “Arjo” Atayde ang relief operation para sa kanilang nasasakupan.

Bukod dito, namahagi rin si Cong. Arjo ng mga tinapay at inumin sa mga kapulisan na nagbigay ng serbisyo para sa seguridad  ng ginanap na State of the Nation’s Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Libu-libong operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang nabigyan ng pagkain ng team ni Arjo na nagbantay habang ginaganap ang SONA ni PBBM.

Samantala, ayon sa isa naming source, sariling pera ng pamilya Atayde ang ginamit sa isinagawa nilang relief operation, kung saan namigay sila ng mga gamit sa pagtulog tulad ng unan, kumot at banig.

Maliban sa mga ipinamigay ng Atayde family, nagpahatid din ng tulong ang DSWD na namigay naman ng bigas, de lata at kape sa mga residente ng Quezon City.

Kasabay nito, makikita rin sa mga naglabasang larawan ang pamamahagi ng ina ni Cong. Arjo na si Sylvia Sanchez ng mainit na lugaw, sopas, tinapay at biskwit sa mga residente ng Barangay Paraiso.

“Parte yan ng ginagawa natin even before everytime na may bagyo,  tinutulungan natin ang mga apektado sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan. I am proud and happy for my son’s initiative,” sabi ni Sylvia.

“Sinusuportahan din siya ng mga pinsan niya headed by Gab (Atayde) and other relatives. So thankful,” sabi pa ng aktres.

Para kay Cong. Arjo, ang pagtugon sa pangangailangan ng distrito ay hindi natatapos sa iisang operasyon lamang.

Katunayan, nanawagan ang aktor-politiko para sa isang komprehensibo at NCR-wide flood management strategy.

Aniya, “The flooding we’ve seen in recent days makes one thing very clear: This is not just a QC District 1 problem, this is not just a Quezon City problem — it’s a Metro Manila problem.”

Kailangan umano ng closer coordination sa pagitan ng national agencies at local government units para masolusyonan ang matagal nang problema sa baha.

“We cannot solve this piecemeal. Kailangan talaga ng buong-lungsod na solusyon. Hindi puwedeng kanya-kanyang diskarte lang ang mga LGU, dahil konektado ang mga kalye, kanal, estero at ilog natin,” paliwanag pa ni Arjo.

Dagdag pa niya, “My grandparents faced this problem. Now we’re facing this problem. I don’t want my grandchildren to live through this problem as well. That’s why we need to take bold, unified action now.

“Sa QC may plano na, but If we want to solve this once and for all, we need a master plan for the whole of Metro Manila. That means more investment in infrastructure, stricter enforcement of environmental laws, and a unified approach to land use and drainage systems.”

Giit ng two-term congressman, “People are tired of the same cycle — umuulan, bumabaha, tapos pag-naarawan na, nakakalimutan. We need to break that cycle. We need to start looking for a serious solution now.”

The post Arjo namigay ng tinapay sa mga pulis na nagbantay sa SONA; Sylvia proud sa anak appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments