Responsive Ad

Korina Sanchez sa first day of school ng kambal: 20 more years to go

Korina Sanchez sa first day of school ng kambal: 20 more years to go

SUPER happy ang veteran broadcaster na si Korina Sanchez sa bagong milestone ng kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang mga larawan ng kambal na sasabak na sa kanilang first day of school bilang Grade 1 students.

Makikita na personal na hinatid ni Korina kasama ang adawang si Mar Roxas ang dalawa sa kani-kanilang eskwelahan.

“Milestone. First day of classes in big school, Grade One, wooohooo!” saad ng veteran broadcaster.

Baka Bet Mo: Korina Sanchez malalagay sa panganib ang buhay ngayong 2025 – Rudy Baldwin

Magkaiba ang paaralan ng kambal nina Korina at Mar. Si Pepe ay nag-aaral sa Ateneo de Manila University (ADMU) na siyang alma mater ni Mar mula grade grade school hanggang high school.

Samantala, si Pilar naman ay nag-aaral sa St. Theresa’s College na siyang alma mater naman ng broadcaster.

“Twenty years more to go. Wahaaaaa. We can do this!” dagdag pa ni Korina.

Nag-post rin si Mar sa kanyang Instagram page.

“Pepe’s smile already looks hesitant when it is just the first day of another 16 years,” sey ni Mar.

Samantala, may nagtanong naman kung bakit magkaiba ang sinabing taon nina Korina at Mar sa kanilang post.

Sagot ng broadcaster, magte-take pa kasi sila ng master’s degree.

Ibinahagi naman ni Korina na nagdesisyon silang i-enroll ang dalawa sa magkaibang eskwelahan para maging “independent of each other.”

The post Korina Sanchez sa first day of school ng kambal: 20 more years to go appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments