Responsive Ad

Kampo ni Gretchen hindi pa kakasuhan si ‘Totoy’, uunahing linisin ang pangalan

Kampo ni Gretchen hindi pa kakasuhan si ‘Totoy’, uunahing linisin ang pangalan
Gretchen Barretto

NANINIWALA ang kampo ni Gretchen Barretto na walang pang saysay kung magsasampa sila ng kaso laban sa self-proclaimed whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan alyas Totoy.

Ito ay matapos madawit ang aktres sa kontrobersyal na pagkawala ng mga sabungero.

Ayon sa legal counsel ni Gretchen na si Atty. Alma Mallonga na iniulat ng INQUIRER, hindi makatutulong ang ganitong hakbang sa ngayon dahil tila nakapagdesisyon na ang publiko ukol sa isyu.

“She’s downhearted by all of this, and her filing a case now is not very helpful within the context of people having already made up their minds. And filing a complaint is an arduous process in and by itself,” sey ni Mallonga.

Baka Bet Mo: Gretchen Barretto ‘marketing strategy’ lang sa online sabong – Atong Ang 

Sinabi ng abogado na ang prayoridad nila ngayon ay ang pagsasaayos ng nasirang reputasyon ng aktres matapos ang mga alegasyon ni alyas Totoy.

Matatandaang una nang ibinunyag ng self-proclaimed whistleblower na sangkot umano sina Gretchen at negosyanteng si Atong Ang sa misteryosong pagkawala ng ilang sabungero noong 2021 hanggang 2022.

“That’s why I am here: to appeal to those who are listening to this case to be more discerning,” pahayag pa ni Mallonga.

Iginiit din ng abogado na pawang haka-haka lang umano ang mga paratang ni Totoy.

“What more can we say, that we will file a case to stress the obvious? Isn’t it obvious even now that he has no basis for saying this?” tanong niya, sabay sabing walang ipinasang sinumpaang salaysay si Totoy.

Paliwanag pa ng legal counsel, “He has not signed an affidavit. A heavier case later on, and we’re keeping it on the table, is perjury. It’s a good thing. Perjury has a high penalty. In fact, if you’re convicted of perjury, it’s not even subject to probation.”

Magugunitang sinabi ni Totoy na si Gretchen umano ay isang “alpha member” ng Pitmaster Group at alam lahat ng nangyayari, kabilang na ang diumano’y pagdukot sa mga sabungero.

Dati raw itong farm manager ni Atong at itinuring na kanang-kamay sa mga operasyon sa sabong bago niya isinapubliko ang mga paratang.

Umapela pa nga siya sa aktres na tumulong at tumestigo laban kay Atong para sa katotohanan.

Pero giit ng kampo ni Gretchen, isa lamang siyang investor sa Pitmaster Group at wala siyang kaalam-alam sa mga insidente ng pagkawala ng mga sabungero.

Kamakailan, inilabas ni Mallonga ang opisyal na pahayag ni Gretchen na nagsasabing wala siyang kinalaman sa kaso at wala siyang nalalaman sa pagkawala ng mga sabungero.

The post Kampo ni Gretchen hindi pa kakasuhan si ‘Totoy’, uunahing linisin ang pangalan appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments