Kathryn Bernardo, Mark Alcala never daw aamin sa kanilang real score?

MUKHANG may usapan ang rumored couple na sina Lucena Mayor Mark Alcala at Kathryn Bernardo na kahit anong mangyari ay hindi sila magsasalita kung anuman ang namamagitan sa kanila.
Nasambit ito sa amin ng taong malapit sa kanilang dalawa, “Naku, kahit na anong ibalita sa diyaryo o online news hindi sila magsasalita, wala silang sasabihin o dedma lang sila.
“Hindi ko alam kung usapan nila pero knowing Kathryn ‘di ba, hindi naman ‘yan pumapatol sa mga isyu even noong sila pa ni Daniel (Padilla), wala kang maririnig sa kanya kahit may mga away na sila until naghiwalay na.
“And si Mayor Mark naman parang hindi rin siya magsasalita kahit naman sa past girlfriends niya ‘di ba, naghiwalay na nga, wala ka pa ring naririnig at in fairness din naman do’n sa dalawa wala rin namang sinabi.
Baka Bet Mo: Kathryn spotted na may sumundo sa BGC, sumakay nga ba sa luxury van na may plakang 8?
“So, feeling ko, pareho sina Kat at Mayor Mark na dededmahin lang kahit na nakikita na sila. ‘Di ba ang daming nakakakita na sa kanila sa BGC (Bonifacio Global City)? E, bakit wala pa rin silang sinasagot, kaya wala ‘yan.”
Balik-tanong namin sa aming kausap, “So hindi sila aamin na sila at mababalitaan na lang na hindi na sila okay?”
“Oo malalaman na lang hindi na sila close. Baka kasi walang aaminin, ha, ha, ha joke. Baka si Kathryn, e, naghahanap lang ng kausap lagi, mature ganern,” nakatawang sagot sa amin ng taong malapit sa aktres at sa mayor ng Lucena.
Tinanong namin ang tungkol sa Australian trip nang dalawang personalidad na bagama’t parehong bansa ang tungo ay magkaibang syudad naman sila, Sydney at Melbourne.
“E, magkaiba nga kaya kahit nakita sila sa airport magkaiba naman ang tungo, ha, ha, ha,” tumatawang sagot ng aming kausap.
Aysus, kahit pa magkaibang location sila ay madali namang magkita sina Kathryn at Mayor Mark dahil walong oras at kalahati lang naman ang travel time by land pero kung eroplano ay isang oras at kalahati.
Kaya feeling namin ay kina Kathryn at Mayor Mark, lilipad kung saan man ang isa kaysa mag-long drive, sayang oras ‘no!
Nabanggit pa ng aming kausap na alam daw ng ina ni Kath na si Mommy Mhin Bernardo ang pag-alis ng anak kasama ang kaibigan dahil may dadalawin silang kaibigan sa Australia.
“Katatapos lang ng PGT, need din ni Kath magpahinga,” sabi ulit ng taong malapit sa dalawa.
The post Kathryn Bernardo, Mark Alcala never daw aamin sa kanilang real score? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments