Janus del Prado kay Awra: Nakakapagod nang makitungo at makisama sa inyo

MATAPANG na pinagsabihan ng aktor na si Janus del Prado si Awra Briguela kaugnay ng kinasasangkutan nitong kontrobersya sa pagiging transgender woman.
Hot topic ngayon sa social media ang mahabang post ni Janus sa Facebook kung saan nagpahayag ito ng kanyang disappointment sa pinagsasasabi ni Awra na nakakaapekto na sa LGBTQIA+ community.
Ang punto ni Janus, nagkakaroon na ng hindi magandang effect sa buong komunidad ang matatapang na pahayag ng Kapamilya young star sa pagtatanggol sa kanyang sarili laban sa mga kumukuwestiyon sa kanyang pinaniniwalaan.
“Awra. You are doing too much to the point that you are hurting the gay community.
Baka Bet Mo: Janus sa mga ipokrito: Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat?
“People are starting to turn against the entire gay community because of this kind of entitlement. Nadadamay sila sa bashing.
“Not to mention overshadowing the identity and attention from biological women, their struggles and their place in society,” simulang pag-callout ni Janus kay Awra.
Pagpapatuloy pa niya, “Stop acting like you are being oppressed because you are not.“Nakigaya lang naman tayo sa pauso ng US and other western countries about the gender alphabet and neo pronouns. And now, ano nangyayari sa kanila?“
“They are suffering the consequences and starting to reject the whole ideology. It even destroyed Hollywood, Sports and their Education System. Balik na sila sa two gender policy,” saad pa niya.
Hinikayat din niya ang mga bading ngayon na, “Makinig kayo sa mga nauna sa inyong Gays like Ricky Reyes. They know better. And quite frankly, the LGBT community hasn’t been about the Lesbians and the Gays in a very long time.“
“You made it all about these neo genders and pronouns that lack common sense,” dagdag ni Janus.
Sa huling bahagi ng kanyang open letter kay Awra, umapela ang aktor sa mga bading na hikayatin at pagsabihan ang kanilang mga kamiyembro sa LGBTQIA+ community na “wala sa hulog” na maging accountable sa kanilang pinaggagagawa.
“And to the gay community. Please speak up pag wala na sa hulog yung ginagawa ng miyembro ng kumunidad niyo.
“Don’t be an enabler just because they are a part of your group. It will only hurt the gay community and what you stand for. Thank you.
“If you want to call yourself a ‘She’ or a ‘Her’ then go, live and enjoy your life the way you want to. No one’s stopping you.
“Just don’t expect and force everyone else to play along.
“Just like you, we all have our own beliefs, values, principles and free will. There is nothing wrong with using proper grammar to address other people.
“Stop the gaslighting. Nakakapagod na makitungo at makisama sa inyo. Nagkakaroon na ng Trans fatigue ang mga Pilipino,” aniya pa.
Habang isinusulat ang balitang ito at wala pang reaksyon si Awra Briguela.
Nag-ugat ang mga debate ng netizens hinggil dito nang ibandera ni Awra sa social media ang kanyang graduation photos kung saan naging isyu nga ang pagtukoy sa kanya gamit ang “she/her”.
The post Janus del Prado kay Awra: Nakakapagod nang makitungo at makisama sa inyo appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments