Responsive Ad

Atasha Muhlach bumalik para sa 46th anniv ng Eat Bulaga: I super love you all!

Atasha Muhlach bumalik para sa 46th anniv ng Eat Bulaga: I super love you all!
Atasha Muhlach, Miles Ocampo, Carren Eistrup, Julia Barretto at Ryzza Mae Dizon

MAKALIPAS ang maha-habang panahon, muling napanood ng mga Dabarkads sa buong mundo ang TV host-actress na si Atasha Muhlach sa “Eat Bulaga.”

Pinatunayan ng anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez kahapon, July 30, na maayos pa rin ang relasyon niya sa mga host at production ng longest-running noontime.

Ang pag-appear ni Atasha ay bilang bahagi na rin ng 46th anniversary celebration ng programa kung saan humataw siya sa isang dance number with Paul Russell’s “Lil Boo Thang.” 

Pagkatapos ng kanyang performance, nahingan si Atasha ng mensahe para sa lahat ng Dabarkads na matagal nang naghihintay sa kanyang pagbabalik.

“I missed all of you so much. Eat Bulaga doesn’t feel like work, it feels like home. Coming back today to celebrate this special day that you guys worked so hard for, I super love you all,” pahayag ng dalaga.

“You guys deserve all the love and celebration talaga. Thank you for making me feel so comfortable being me,” ang maluha-luhang sey pa ni Tash.

Tinuksu-tukso naman ni Bossing Vic Sotto ang aktres, na naging emosyonal na nga, sa bago niyang look dahil nga may pa-bangs na siya 

Taong 2023 nang mag-join si Tash sa “Eat Bulaga” at pansamantala muna siyang nagpaalam sa programa dahil sa kauna-unahan niyang digital at online series na “Bad Genius.” 

Sey ng dalaga, “I want to give my 100% to the project. But my love for the Dabarkads is forever and always there, and I love them so much. We need to finish this show first. Let’s finish the promo,” she said at the time.”

The post Atasha Muhlach bumalik para sa 46th anniv ng Eat Bulaga: I super love you all! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments