Sharon Cuneta never um-attend ng ABS-CBN Ball: ‘I was always so fat’
DIRETSAHAN nang inamin ni Megastar Sharon Cuneta ang major-major reason kung bakit never siyang um-attend ng ABS-CBN Ball.
This year, kinumpirma ng TV and movie icon na for the first time ay dadalo na siya sa inaabangang ABS-CBN Ball na magaganap ngayong gabi, April 4.
Sa kanyang Instagram page, inihayag ni Sharon na always naman siyang invited sa naturang annual Kapamilya event pero hindi raw talaga siya pumupunta.
“On April 4, I am attending the ABS-CBN BALL for the first time, ever. I was always invited, but could never come because I didn’t feel like it.
Baka Bet Mo: Sharon balik size ‘small’, ‘medium’ ang mga damit: ‘I still couldn’t believe!’
“I was always so fat. Nothing wrong with that per se, but I just never felt like my best self,” ang pag-amin ni Mega.
Dugtong pa niyang chika, “So now that I do, am joining my Kapamilya!!! Finally!!! Yehey!!! Thank You Lord!!!”
Kahapon, April 3, nag-flex uli si Ate Shawie sa social media ng kanyang kaseksihan na tila nais ipagsigawan sa buong universe na super ready na siyang rumampa sa ABS-CBN Ball 2025.
“Have a great evening, everyone,” ang caption niya sa kanyang IG post. In fairness, aakalain mong nasa 30s lang ang itsura ay katawan ngayon ng Megastar.
Abangers na ang mga Sharonians sa magiging OOTD ni Mega tonight. Ang tanong na lang kung rarampa siya nang solo o kasama ang kanyang asawang si Atty. Kiko Pangilinan.
The post Sharon Cuneta never um-attend ng ABS-CBN Ball: ‘I was always so fat’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments