Angelu nagbabala sa abogadong tumatakbong mambabatas sa Pasig: Bawal ang bastos!

Angelu de Leon, Atty. Ian Sia
“BAWAL ang bastos sa Pasig!”
Ito ang umaalingawngaw na post ng aktres at re-electionist councilor ng 2nd district ng Pasig City na si Angelu De Leon – Rivera noong Huwebes, April 3 matapos hindi magustuhan ang naging biro ng kumakandidatong congressman sa nasabing lungsod na si Atty Christian “Ian” Sia.
Sa social media ng iNews Pasig, nakunan ng video ang pabirong kampanya ni Sia sa gitna ng campaign sortie ng Team ni Sarah Discaya na naganap noong April 2.
Para sa mga hindi aware, si Sarah ay tumatakbong mayor na kalaban ni incumbent mayor Vico Sotto.
Baka Bet Mo: Angelu umaasang magkakaayos din sila ni Claudine: Sa tamang panahon
Sey ni Sia sa entablado, “Ito ho ang ambag ko para sa mga solo parent ng Pasig. Minsan, sa isang taon, ang mga solo parent na babae na nireregla pa at nalulungkot, pwedeng sumiping sa akin.”
“‘Yung mga interesado, magpalista na sa lamesa sa gilid. Biro lang ho, may asawa na ako,” wika pa niya.
Hindi ito pinalampas ng kasalukuyang Chairperson ng Committee on Social Services and Solo Parent Affairs ng Sanggunian Panlungsod ng Pasig.
Post ni Konsi Angelus a kanyang FB account, “Nakakagalit na sa katatapos lang ng buwan ng kababaihan, at ngayong buwan ng Abril kung kailan pambansang ipinagdiriwang at kinikilala ang ating mga solo parents, makakarinig tayo ng nakakabastos at nakakadiring pahayag sa mga babaeng solo parent sa isang pampublikong event – na nagmula pa mismo sa isang abogadong kumakandito para kongreso.”
Ni-repost ni Angelu ang naging biro ni Atty. Sia, ngunit hindi na niya pinangalanan kung sino ito.
Ang sabi pa nga niya sa bahagi ng post, “Yes, I refuse to say his name.”
Caption pa niya, “Bilang kasalukuyang Chairperson ng Committee on Social Services and Solo Parent Affairs ng Sanggunian Panlungsod ng Pasig, at bilang isang babaeng minsan din naging isang solo parent, nararamdaman ko ang labis na inis at pagkadismaya ng kababaihan at mga solo parent sa mga pahayag na ito. Ang ganitong uri ng mga salita ay hindi lamang nakakainsulto sa mga kababaihan, kundi pati na rin sa ating lipunan.
“Ang pagkakaroon ng respeto at dignidad para sa iba, anuman ang kasarian o estado sa buhay, ay isang mahalagang prinsipyo na dapat isinusulong ng bawa’t isa , at mas lalo na sa mga nagnanais maglingkod sa ating pamahalaan at sa mga Pasigueño.
“Uulitin ko, BAWAL ANG BASTOS SA PASIG!”
Samantala, trending naman ang video na ito ni Atty. Sia sa social media na umabot sa one million views sa X (dating Twitter); 1,500 repost at 4,100 likes mula sa netizens.
Narito pa ang ilan sa mga nabasa naming komento mula sa netizens:
“This is sick. Nakakasuka ang mga ganitong politicians. Mga taga Pasig, please lang, don’t make the mistake of giving power to this trash of a man.”
“Maingay lang yan.. wala kasing laman… talo ‘yan last election kaya ganyan eh.”
Sagot ng single mom na nakapanood din ng video: “This kind of man using single moms on his campaign as a laughing stock is SICK! WE, SINGLE MOTHERS, DO NOT NEED A MAN LIKE YOU! And you, Ara Mina, laughing [at] his joke is more sickening!”
Komento rin ng iba pang hindi nagustuhan ang biro ni Atty. Sia.
“Men be saying something sexual as a joke, thinking they spitting bars. No bro, that’s harassment and you’re disrespectful.”
“He thought he ate. T**g ina, 2025 na, ganito pa din ang biruan, ta’s imagine, public speaking pa.”
“[Nakakatawa] ‘yung joke? Baboy niyo po, hehe.”
“Maling-mali ang banat (ni Sia) kahit biro, hindi dapat sinasabi ‘yang ganyang salita, bastos hindi lang sa solo parents kundi sa lahat ng kababaihan, hindi maganda.”
“Itong asshole ay literal na magiging isa sa mga taong magpapasya sa ating pambansang badyet kung siya ay mahalal.”
Mula sa reddit, “Wala bang magpapa-disbar dito sa kumag na to?!”
“Dude should just stop talking, wala naman siyang na-iisway na voters sa pinagsasabi niya, lalo na niya pinagmumukhang tanga. Partida, abogado pa yan.”
Bukas ang BANDERA sa panig ni Atty. Ian Sia kung ano ang reaksyon niya sa mga nanggalaiti sa biro niya tungkol sa single moms.
The post Angelu nagbabala sa abogadong tumatakbong mambabatas sa Pasig: Bawal ang bastos! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments