Responsive Ad

SAF member patay matapos barilin ng kapwa agent dahil sa labada

1 miyembro ng SAF patay matapos barilin nang kapwa agent dahil sa labada

NANG dahil lang sa labada, patay ang isang miyembro ng Special Action Force matapos barilin sa ulo ng kapwa niya SAF personnel.

Naganap ang insidente ng pamamaril sa mismong quarters nila sa Barangay Tara, Sipocot, Camarines Sur noong Martes ng umaga, April 1, 2025.

Parehong nakatalaga ang dalawa sa 92nd Special Action Company ng 9 Special Action Battalion.

Base sa report ng Brigada News FM-Naga City, nagsimula ang away at hindi pagkakaintindihan ng suspek at biktima matapos magkaisyu umano sa labada.

Sa inisyal na resulta ng imbestigasyon,  ha-bad trip daw ang biktima nang pagsabihan siya ng suspek na huwag maglaba sa loob ng kanilang banyo dahil may iba pang gumagamit nito.

Ngunit bigla raw nanuntok ang biktima kaya agad kinuha ng suspek ang pag-aaring long service firearm at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.

Ayon pa sa report, agad na naisugod sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay matapos maging kritikal habang ginagamot sa ospital.

Isinailalim na sa restrictive custody ang suspek habang nahaharap sa kasong murder.

The post SAF member patay matapos barilin ng kapwa agent dahil sa labada appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments