Marjorie dinepensahan ang mga anak laban kay Dennis: Napapahiya ang mga bata!

Marjorie Barretto, Dennis Padilla
PARANG isang bomba ang pinasabog ni Marjorie Barretto sa panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz kagabi, April 11, na uploaded na sa YouTube channel.
Tulad ng sinabi ni Marjorie ay hindi close o estranged ang mga anak niyang sina Julia, Claudia at Leon sa tatay nilang si Dennis Padilla at isa na sa dahilan ay ang paulit-ulit na kuwento ni Dennis sa mga panayam niya na lagi niyang pinalalabas na neglected siya.
“Bakit sila estranged? For the past 10 years wala ng ginawa si Dennis kundi magpa-interview ng magpa-interview, iiyak siya (at) magpapa-awa siya and make him seem he really misses and I believe he does miss the children but the point here is napapahiya ang mga bata, nasasaktan sila na pinag-uusapan sila sa publiko and he may make it seem na hindi niya sinisiraan pero naba-bash ang mga anak ko tuwing nagpapa-interview siya.
“So, we always have common friends, ‘sabihin n’yo kay Dennis the sooner he stops magpa-interview the faster ang reconciliation.
Baka Bet Mo: Dennis Padilla wala raw ambag sa pag-aaral ni Leon, sey ng netizen: ‘Si Julia ang nagsusustento sa kapatid niya’
“Gusto ko lang klaruhin for 18 years na magkahiwalay kami (ay) pinapalabas niya na ako nagpe-prevent na maging close siya sa mga anak ko. Bini-brainswash ko ang mga anak ko laban kay Dennis, hindi totoo ‘yan, Ogie,” kuwento ng dating aktres na papasukin muli ang pulitika.
Isa pang nakuwento ng mama nina Julia, Claudia at Leon na nu’ng naghiwalay sila ng tatay ng mga anak at nahihiram ni Dennis ang mga ito dahil mga bata pa noon pero wala siyang bukambibig kundi siraan ang ina ng tatlo.
“God is my witness, ako ang sinisiraan niya sa mga anak ko. Dennis ‘wag mo itong ide-deny ever dahil ang lagi mong sinasabi sa tuwing susunduin niya ang mga anak ko, ‘Paglaki n’yo, I will tell you what your mom did to me. Paglaki n’yo…paglaki n’yo.. paglaki n’yo. All the time.
“My children are protective of me, Ogie. Ito ang hindi ko maintindihan, ayaw mong maging tatay nila, he never fought for joint custody, never niyang hinihiram for sleep over ang mga anak ko simula nu’ng bata sila.
“Gusto mo (Dennis) ako ang magpa-aral, ako ang financially 100% was me for 18 years, Ogie pero gusto mo akong siraan sa mga anak mo? So, what did you want to happen? Umuwi sila sa bahay ko ako ang magpalaki pero galit sila sa nanay nila?
“But I’ve always been honest with my children I’ll never lie to my children, so, alam nila ang buhay ko. So, my kids will always gets so irritated, okay we’ll big already, okay what she do that we don’t know ‘di ba?
“And Dennis forget that they (mga anak) grew up in a household na parati kaming (Dennis) nag-aaway. Bago ko naman iniwan si Dennis ay 14 years na akong nagtitiis. They grew up and they know kung ano ‘yung naging sistema ng aming pamumuhay as a married couple,” balik-tanaw ni Marjorie.
Tanong ni Ogie, “Paano kayo nag-aaway talakan lang wala namang pisikal?”
“He was physically abusive to me,” diretsong sabi ni Marjorie kay Ogie na hindi kumukurap ang mga mata.
Inamin ni Marjorie na naging tahimik siya sa loob ng labingwalong taon.
“He was physically abusive to me (and) he has a very bad temper and I’m sure maraming makakaalam nito na kung gaano siya nakakatawa sa mga tao, exact opposite niya Ogie.
“Konting bagay lang na away, manununtok na ‘yan, mananampal na ‘yan! My kids saw that.
“And the biggest physical abuse that he did to me was when Julia was few days old (at) kakapanganak ko palang sa kanya.
“Galit siya (Dennis) sa akin parang I complained about something naglalakad ako…(natigilan si Marjorie). I don’t know why I’m telling you this, I never spoke about it.
“Naglalakad ako papasok ng kuwarto from the back, he hit me so hard, laking tao ni Dennis. He hit me so hard in my ear lumipad talaga ako kasi hindi ako nakailag na talagang nawala ‘yung eardrum ko.
“Julia was days old (minuwestra kung gaano kaliit pa ang anak) like baby. Up to this day I suffered that Ogie. Wala akong eardrum it had to be years after na-surgery ‘yun sobrang (lakas) ng impact niya, eh.
“I had to go to surgery that they had to re-create an eardrum, they had to get a portion of my skull to make it an eardrum and to this day my kids when they remembered that only because nawala na naman ‘yung graft and one infection of the ear because I’m prone to that, nawala na naman. So, everytime I have colds, dito (itinuro ang tenga) lalabas, so, everytime my kids see that they’re reminded that what the father is. Dennis has a very explosive temper,” pagtatapat ni Marjorie.
Laging sinasabi ni Dennis na pagod na raw siyang mag-reach out sa mga anak niya para pansinin siya bilang ama.
“Bakit siya pagod na pagod Ogie, mga anak ko ba tinanong n’yo ba kung ano ang effect sa kanila ng ginagawa ni Dennis?
“Paano ka namin isasama kapag birthday ng mga anak natin, tension ang dala mo, eh. Bakit ang daming magkahiwalay Ogie puwedeng magsama, bakit ikaw (Dennis) hindi? Bakit ang galit mo sa akin sobra-sobra? Naging mabuti ka bang asawa sa akin? Parang ang bait-bait mo sa akin tapos iniwan kita, eh, no Dennis, no! I should have left you earlier, salbahe ka sa akin dapat lang na umalis na ako sa relasyon na ‘yan bago mo ako mapatay,” kuwento pa ni Marjorie.
Dagdag pa, “When I left you 18 years ago, I removed your power over me. I suffered so much physical abuse, financial abuse, verbal abuse even worst to me than physical abuse, I will take the beating anytime but his verbal abuse (ay) mura na hindi mo alam kung saan nanggaling ang words and terms. I’ll take the role ayaw kong maramdaman ng mga anak ko ‘yun! Hindi kita iniisip, hindi kits hine-hate all these years I removed your power over me.”
Sa ikatlong bahagi ng panayam ay ang tungkol sa nanay at kapatid ni Dennis na sina Gng Catalina Dominguez at Gene Padilla.
Nanatiling bukas ang BANDERA sa panig ni Dennis.
The post Marjorie dinepensahan ang mga anak laban kay Dennis: Napapahiya ang mga bata! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments