Jackie Lou, Monching sa fans ni Pilita Corrales: ‘A million thanks sa lahat!’

Pilita Corrales, Ramon Christopher at Jackie lou Blanco
NGAYONG April 16, ang huling araw ng burol ng Asia’s Queen of Songs” na si Pilita Corrales sa The Heritage Park, Fort Bonifacio sa Taguig City.
Inaasahang mas marami pang bibisita sa lamay para sa showbiz icon sa huling gabi nito, kabilang na ang mga kaibigan at nakatrabaho niya sa loob ng ilang dekada niya sa entertainment industry.
Ayon sa mga anak ni Pilita na sina Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher, hindi pa nila napagdedesisyunan kung kailan nila ililibing sa Himlayang Pilipino ang kanilang ina
“For now, hindi pa kami maka-decide sa family if they want to bring her to Himlayan, where her mom is and her brother, we have not decided.
“So, I think what we will do is probably bring home her ashes until we’ve made that decision for her. Parang right now, we really don’t know,” ang pahayag ni Jackie Lou sa panayam ng media.
Sabi ng magkapatid, nakakataba ng puso at nakakaluwag ng damdamin ang mga mensahe ng pakikiramay ng mga taong nagmamahal sa kanilang yumaong ina, kabilang na ang mga nakasama nito sa showbiz.
“Yun yung legacy na iniwan ni Mommy. Ahh, parang when people think of her, the people who have met her always has kind words to say, di ba?
View this post on Instagram
“Walang masamang tinapay sa nanay namin, e. And that is such a gift for us. In this time na… is very difficult for us, di ba?
“If you need anybody that she has met, yun at yun ang sinasabi, nakaka-warm ng heart. Kahit paano, naiibsan yung nararamdaman because Mommy is not there,” pahayag ni Jackie Lou.
Aniya pa, “And I also tell the kids that this is something that… this is something that you will have to continue.
“You honor your Mamita by doing good, being a good person, being excellent in whatever field of work. Lalo na yung mga anak namin na nasa business, di ba?
“So, regalo yun and the same time malaking responsibilidad din, because we have to honor her by continuing kung ano yung mga naiwan niya sa amin, kay Monching, sa mga apo niya,” mensahe pa ng aktres.
Sabi naman ni Monching, “A million thanks sa lahat. Si Mommy very generous kasi yan.
“A million thanks din sa mga tao that pray for her, at saka yung mga well-wishers,” saad ni Monching.
The post Jackie Lou, Monching sa fans ni Pilita Corrales: ‘A million thanks sa lahat!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments