Belle Mariano dasurved manalong Belle of the Ball; lumebel kina Piolo, Kim, Iza

Belle Mariano, Kim Chiu, Hayden Kho, Vicki Belo, Piolo Pascual, Iza Calzado, Raymond Gutierrez, Donny Pangilinan a Ivana Alawi (Photos from Vicki Belo IG)
HABANG tumatagal ay mas lalong gumaganda at naggo-glow ang awrahan ng Kapamilya young actress na si Belle Mariano.
Kaya naman hindi na kami nagtaka at nagulat kung bakit siya ang itinanghal na Belle of the Ball sa ABS-CBN Ball 2025 na ginanap sa Solaire Resort North, Quezon City nitong April 4, 2025.
Sa mga nababasa naming comments sa social media, marami ang nagsasabi na iba ang magic at karismang taglay ng face at personality ng dalaga.
Mula sa pagiging child star ay talagang nag-bloom si Belle nang bonggang-bongga bilang isa sa mga pambatong batang aktres ng ABS-CBN.
This year, may bago na namang na-achieve si Belle sa kanyang showbiz career – siya na ngayon ang pinakabagong “IT Girl” ng Belo Medical Group.
Ipinakilala ang dalaga bilang Belo Baby sa ika-35 anibersaryo ng BMG. Nakikita at nararamdaman talaga ng lahat ang glow-up ni Belle na nagtataglay ng classic beauty at natural glow kaya naman siya ang napili ni Dra. Vicki Belo at ng kanyang team bilang Belle of the Ball sa ABS-CBN Ball 2025.
View this post on Instagram
Tulad ng kanyang kapwa GenZ stars na sina Francine Diaz at Andrea Brillantes na pinakamalalaking pangalan sa entertainment industry sa kanilang henerasyon, certified Belo Baby na rin si Belle.
Tatlong youngstars na fresh at flawless, hindi lang sila pambida sa mga teleserye at pelikula dahil mga bida rin sila sa beauty game.
Kung may GenZ queen sa pag-arte, may GenZ Queens din sa skincare at kasama na si Belle sa titulo at trono.
Kasama sina Belle, Francine at Andrea sa cover pictorial para sa isang lifestyle magazine bilang pagdiriwang sa 35th anniversary ng BMG.
Sina Dra. Vicki, Dr. Hayden Kho,Jr., Piolo Pascual, Iza Calzado, Donnie Pangilinan, Kim Chiu, Chie Filomeno, Darren Espanto, Ivana Alawi at Raymond Gutierrez ang mga kasama nina Belle, Francine at Andrea sa iconic pictorial na nangyari habang nagaganap ang ABS-CBN Ball.
Hindi lamang sina Belle, Francine at Andrea ang mga Belo Baby dahil hindi rin nagpahuli ang Nation’s Girl Group na BINI, na may bago ring campaign, ang ADVALight na sagot sa problema sa acne at redness na instant camera-ready skin ang resulta.
The post Belle Mariano dasurved manalong Belle of the Ball; lumebel kina Piolo, Kim, Iza appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments