Responsive Ad

Klarisse de Guzman umaming bisexual, 4 years nang may girlfriend

Klarisse de Guzman umaming bisexual, 4 years nang may girlfriend

Klarisse de Guzman

MATAPANG na ni-reveal ng Kapamilya singer na si Klarisse De Guzman sa buong universe ang tunay niyang pagkatao.

Diretsahang inamin ng biriterang singer sa “Pinoy Big Borther Celebrity Collab Edition” sa mga kapwa niya housemates na hindi siya straight – kundi isang bisexual.

Sa katunayan, ayon kay Klarisse, meron siyang karelasyon ngayon at mag-aapat na taon na sila.

“Sa tingin ko, ito na yung time para sabihin sa inyong lahat, and to tell the world, that I am not straight. I am bi (bisexual),” ang rebelasyon ng singer.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang “bi” o “bisexual” o posibleng magkagusto o ma-in love sa isang lalaki o babae.

“May four-year akong partner. Her name is Trina. Hindi alam ng public, pero alam ng parents ko. And kasama ngayon ng mama ko is her,” pahayag pa ni Klarisse.

Pagpapatuloy pa niyang kuwento sa mga kasama niya sa loob ng Bahay ni Kuya, “And I guess komportable na akong sabihin sa inyong lahat. With Michelle Dee pa. Hindi ko mahintay na ma-meet n’yo siya.”

Ibinandera ng OPM singer ang kanyang pag-come out sa isang task na pinamunuan ng houseguest na si Michelle Dee. Pag-amin ni Klarisse kay Big Brother, “Alam niyo po ‘yung ang tagal-tagal nang nakakimkim dito sa dibdib ninyo.

“And now, heto, sobrang nasabi ko na po ‘yung totoo and hindi na ako takot, wala na akong kinatatakutan, kumbaga wala nang walls, Kuya,” sey ni Klarisse.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa nakaraang episode ng “PBB Celebrity Collab Edition”, trending sa iba’t ibang social media platforms ang excitement ng mga manonood at netizens sa pasabog na revelation ni Klarisse sa kapwa housemates.

Marami naman ang nakahula na tungkol ito sa kanyang gender at sexual orientation.

In fairness, hinangaan ng mga tagasuporta ng “PBB” ang matapang na pag-amin ni Klarisse about her sexual preference on national TV.

The post Klarisse de Guzman umaming bisexual, 4 years nang may girlfriend appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments