Responsive Ad

Vice Ganda ginagamit ng mga scammer sa socmed: Huwag po kayong paloko!

Vice Ganda ginagamit ng mga scammer sa socmed: Huwag po kayong paloko!

Vice Ganda

BINIGYAN ng warning ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ang madlang pipol tungkol sa mga lumang video niya na kumakalat ngayon sa social media.

Nakarating sa “It’s Showtime” host na may mga sindikato at scammer na gumagamit sa mga content niya sa Facebook at YouTube upang makapangloko at makapagnakaw sa mga inosenteng tao.

Sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, may mga nagpapanggap daw na Vice Ganda gamit ang mga luma niyang video at nanghihingi ng kung anu-ano.

“May mga gumagamit ng lumang live videos ko at nagpapanggap na ako para makapang-scam! HUWAG PO KAYONG PALOKO!” simulang pahayag ni Vice.

Paglilinaw pa niya, “Tanging verified accounts ko lamang po ang opisyal at tunay na ginagamit ko.

“Kung may kahina-hinalang activity mula sa non-verified accounts na ginagamit ang aking pangalan, i-report agad! Mag-ingat at maging mapanuri!” paalala pa ni Vice Ganda sa publiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kung matatandaan, may isang quote card  na bumandera sa social media kung saan mababasa ang umano’y pahayag ni Vice kung saan pinuri niya ang magagandang idinulot ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas.

Ang mababasa sa nasabing quote card, “Ayaw kong magpakahipokrito ha, aminin natin nung time ni FPRRD, karamihan ng adik nagbagong buhay, karamihan sa mga kriminal nag uu nahang sumuko dahil sa takot kay Duterte.

“Confident kayong lumabas sa gabi dahil alam niyong yung mga kriminal at masasamang loob nabawasan na.

“Kung hindi si Duterte ang namuno ng pandemic, lahat tayo patay. Lahat ng pondo ng gobyerno ginamit ni Duterte maitawid lang tayo sa pandemic.”

Sa pamamagitan ng kanyang X at Facebook account, mariin nga ning pinabulaanan na siya ang nagsabi ng nakasulat sa quote card.

“I never stated this. Pls report,” ang sabi ni Vice sa kanyang X page kalakip ang nasabing pekeng quote card.

Ni-repost din niya ito sa FB at nilagyan ng caption na, “FAKE NEWS!

“Huwag paniwalaan ang kumakalat na pahayag na ito! Wala po akong inilabas o sinabi na ganitong statement.

“Maging mapanuri at huwag basta maniwala sa impormasyong walang malinaw o opisyal na pinagmulan. Please report!” sabi pa ni Vice.

The post Vice Ganda ginagamit ng mga scammer sa socmed: Huwag po kayong paloko! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments