Responsive Ad

Lalaking may cancer ikinasal sa fiancée, pumanaw makalipas ang 4 na araw

Lalaking may cancer ikinasal sa fiancée, pumanaw makalipas ang 4 na araw

Christian at Vannily

MARAMI ang na-touch at naiyak sa kuwento ng wagas na pagmamahalan nina Christian at Vannily na nagpakasal noong August, 2024 ngunit agad ding “nagkawalay” sa isa’t isa.

Tinupad ni Christian ang pangako niya sa kanyang karelasyong si Vannily na pakakasalan niya ito sa kabila ng kanyang karamdaman – na-diagnose siya ng colon cancer.

Mula sa pagkaka-confine, nagdesisyon si Christian na lumabas muna ng ospital para makauwi sa kanilang bahay at bigyang-katuparan na ang matagal na niyang promise kay Vannily, ang sila’y maikasal.

Base sa TikTok video na ipinost ni Vannily, ikinasal sila noong August 7, 2024. Nagtulung-tulong ang medical crew ng isang ambulansiya para buhatin si Christian at inilipat sa mas  kumportableng kama.

Bukod sa kani-kanilang pamilya, nagsilbi na ring witness ang medical crew na tumulong kay Christian sa simple ngunit punumpuno ng puso na wedding nila ni Vannily.

Sa isa pang bahagi ng video, makikita naman ang mga naging kaganapan sa kasal nina Christian at Vannily, kabilang na ang pagpirma ng groom ng marriage contract.

Sabi ni Vannily sa text caption, “Hindi man ito ang kasal na pinangarap natin Love, pero masaya ako kasi natupad natin isa sa pangarap natin. Hindi nga lang sa simbahan.”

Sinuportahan naman ng kani-kanilang pamilya ang desisyon nila na magpakasal na. At kahit na medyo nag-aalala para sa kundisyon ni Christian, ginawa ni Vannily ang lahat para mapasaya ang asawa.

Ngunit makalipas nga ang apat na araw  matapos maganap ang kanilang kasal, pumanaw na si Christian.

Limang taon nang magkasintahan ang dalawa bago nag-propose si Christian at taong 2023 nang mamanhikan ang kanyang pamilya kina Vannily. Sabi ng dalawa, ito raw ang itinuturing nilang pinakamasayang araw ng kanilang buhay.

Taong 2024 naman nang ma-diagnose si Christian ng colon cancer hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang kanyang katawan.

Nagastos sa kanyang pagpapagamot ang naipon nilang pera ni Vannily na inilalaan sana nila sa para sa kanilang kasal.

Ayon pa kay Vannily, sa kabila ng kanyang pinagdaraanan, talagang tinupad pa rin ni Christian ang pangako nitong kasal sa kanya.

Sa ngayon, patuloy na kumakapit sa Diyos at sa kanyang pamilya si Vannily kasabay ng pagpapakatatag para sa anak nila ni Christian.

The post Lalaking may cancer ikinasal sa fiancée, pumanaw makalipas ang 4 na araw appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments