Sanya Lopez sa paghihiwalay nina Jak at Barbie: Napakasakit din for me

Sanya Lopez, Barbie Forteza at Jak Roberto
NAAPEKTUHAN din ang Kapuso sexy actress na si Sanya Lopez sa paghihiwalay ng kanyang kapatid na si Jak Roberto at ng friend niyang si Barbie Forteza.
Tulad ng mga kaibigan at fans nina Jak at Barbie, kahit daw siya ay nagulat at nalungkot din sa breakup ng JakBie matapos ang ilang taong relasyon.
Umabot din sa pitong taon ang pagiging magdyowa nina Barbie at Jak pero sa hiwalayan nga rin nauwi nito lamang nagdaang January.
Pero ayon kay Sanya, nirerespeto at iginagalang niya ang desisyon nina Barbie at Jak. Hanggang ngayon daw ay hindi pa niya nakakausap ang kapatid at ang kanyang kaibigan hinggil sa breakup.
“Of course masakit din for me na hindi pala sila ‘yung nag-end up together. Pero I respect their decision kasi sila ‘yun eh. Kumbaga nandito lang naman ako to support both of them,” pahayag ni Sanya sa panayam ng GMA.
Sa kabila ng nangyari sa lovelife ni Jak, proud na proud pa rin siya sa kapatid dahil sa mga achievement ng aktor at content creator, lalo pa’t malapit nang matapos ang ipinatatayo nitong dream house.
View this post on Instagram
“Nakakaiyak. Nakaka-proud for him na finally you have your own house and lahat ng mga pinaghirapan niya. Ang cute lang,” pahayag ni Sanya.
“Dati nakikibahay lang kami, nakikitira lang kami tapos now may sarili na siya, I have my own house na rin kasi,” sabi pa ng dalaga.
The post Sanya Lopez sa paghihiwalay nina Jak at Barbie: Napakasakit din for me appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments