Responsive Ad

NBI makikipagtulungan sa Interpol para hulihin ang fake news peddlers

NBI makikipagtulungan sa Interpol para hulihin ang fake news peddlers

BUKAS ang National Bureau of Investigation o NBI na makipagtulungan sa International Criminal Police Organization o Interpol para hulihin ang mga taong nagpapakalat ng fake news.

Ayon sa naging ulat ng ANC 24/7 noong Lunes, March 24, inihayag ni Director Jaime Santiago na kahit ang mga Pinoy na naninirahan sa ibang bansa na pinagmumulan ng pekeng balita ay dapat managot sa tulong ng Interpol.

Baka Bet Mo: Gabbi, Mavy binalaan ni Melai sa bashers: Grabe sila, magpa-NBI rin kayo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Lalo pa’t ‘yong vlogger ay US citizen. How can we enforce our law do’n sa citizen nila at hindi naman ‘yon ang umiiral na batas sa kanila? So, tinitingnan namin lahat,” saad ng NBI director.

Dagdag pa niya, “Nag-usap-usap na kami kung paano namin masawata itong mga fake news spreader, mga vloggers na nagbibigay ng fake news, saka ‘yong creators na makapag-create lang kahit hindi tama ‘yong ginagawa nila.”

Matatandaang bukod sa NBI, sinabi na rin ng Department of Justice (DOJ) ang planong magpatupad ng mas malalim na imbestigasyon upang malaman at mahuli ang mastermind sa likod ng mga pagpapakalat ng fake news.

“Binabalanse po namin mabuti. Ako bilang dating hukom… binabalanse ko ‘yan. I understand and respect freedom of speech, freedom of expression,” pagbabahagi ni DOJ Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Pagpapatuloy pa niya, “Pero kapag lumampas na sa hangganan, nakaka-commit na sila ng inciting to sedition, nakaka-commit na sila ng libel, kailangan sawatain natin ‘yan.”

Kamakailan lang nang arestuhin ng NBI ang isang babae mula sa Cebu matapos ang ginawa nitong pagpapakalat ng pekeng quote card ni Pangulong Bongbong Marcos patungkol sa ilegal na droga.

The post NBI makikipagtulungan sa Interpol para hulihin ang fake news peddlers appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments