Jodi Sta. Maria parang tunay na anak na ang turing sa 3 alagang hayop

Jodi Sta. Maria at ang mga alagang hayop
PARANG mga tunay na anak na ang turing ng award-winning Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa tatlo niyang alagang hayop.
Feeling blessed and thankful si Jodi sa pagdating sa buhay niya ng tatlong fur babies – yan ay sina Lily, Zandro, at Naia.
Isa si Jodi sa mga celebrities na kilala rin sa ng pagiging animal welfare advocate at lahat ng kanyang alaga ngayon ay puro adopted at hindi niya binili ang mga ito.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng aktres kung gaano niya kamahal ang tatlong alagang hayop na hindi niya inaasahang darating sa buhay niya.
“Lily, Z, and Naia — three little souls who found their way to me when they needed love the most.
“But somewhere along the way, they became my greatest comfort, my sweetest companions, and the quiet reminder that love doesn’t just heal… it transforms,” ang caption ni Jodi sa litrato ng tatlong fur baby.
View this post on Instagram
Ang pusakal (pusang kalye) na si Naia ang unang inampon ng aktres noong 2023 na ipinangalan sa Ninoy Aquino International Airport kung saan niya ito natagpuan.
Si Lily naman ay isang black aspin (asong Pinoy), na in-adopt ni Jodi noong 2024, habang si Zandro o Z, ay ang white puppy na nakita niya habang nasa taping siya.
Dahil dito, nakipag-collab ang Kapamilya star sa People for Ethical Treatment of Animals (PETA) para sa kampanyang, “Adopt, never shop.”
Sa lumabas na PETA advertisement, sinabi ni Jodi na lumaki talaga siya sa pamilyang mahilig mag-alaga ng hayop, “When I was young, I remember growing up in a household with animals. My mom naman, would pick up stray dogs.”
“Hindi lahat aware na mayroon tayong animal homelessness crisis dito sa Philippines. But I feel with proper education and also if we raise awareness, then the animal homelessness crisis will be addressed,” aniya pa.
Panawagan pa niya, “Help support organizations na naghe-help sa mga animals. You can always give your time and your effort by volunteering and using your social media platforms to get the word out there.”
Samantala, muling mapapanood si Jodi sa horror movie na “Untold” na showing na sa mga sinehan sa April 30, kasama sina Joem Bascon, Juan Karlos, Gloria Diaz, Mylene Dizon, Kaori Oinuma, Sarah Edwards, at Lianne Valentin.
The post Jodi Sta. Maria parang tunay na anak na ang turing sa 3 alagang hayop appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments