Responsive Ad

Kampo ni Vic sa kaso ni Darryl Yap: We believe that justice will soon be served

Kampo ni Vic sa kaso ni Darryl Yap: We believe that justice will soon be served

Darryl Yap at Vic Sotto

NANINIWALA ang kampo ng TV host-comedian na si Vic Sotto na magiging patas at mapanuri ang hukuman sa kasong cyberlibel na kanilang isinampa laban kay Darryl Yap.

Nag-issue ng arrest warrant ang Muntinlupa Regional Trial Court laban kay Direk Darryl matapos makakita ng probable cause o basehan ang isinampang reklamo ni Bossing.

Pero bago pa mai-serve ang warrant of arrest, nagpiyansa na agad ang direktor ng P20,000 para sa two counts of cyberlibel. Kinumpirma ito ng abogado ni direktor na si Atty. Raymund Fortun.

Sa ulat ni Gorgy Rula sa Pep, naglabas ng official statement ang kampo ni Bossing sa pamamagitan ni Atty. Enrique “Buko” dela Cruz. Narito ang kabuuan ng naturang pahayag.

“Nagpapasalamat kami sa kagalang-galang na hukuman dahil nag-issue ito ng warrant of arrest laban kay Mr. Darryl Yap.

“Ibig sabihin ay sinuri ng Hukuman ang kasong cyber libel na isinampa ng Fiscal at nakita nito na may probable cause o may basehan ang idinulog na reklamo ni Mr. Vic Sotto laban kay Mr. Darryl Yap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIC SOTTO (@vicsottoofficial)


“Nagpyansa na si Mr. Yap para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang nililitis ang kaso. Naniniwala kami na magiging patas at mapanuri ang hukuman.

“Our justice system is working and we will continue to trust in the system. We believe that Justice will soon be served.

“In the meantime, we cannot comment on the merits of the case. We respect the court and we trust that it will render a fair decision.

“Maraming Salamat po.”

Samantala, naka-schedule ang arraignment at pre-trial ng nasabing kaso sa darating na Miyerkules ng umaga, March 26.

Nagasampa ng kaso si Bossing matapos diretsahang banggitin ang kanyang pangalan sa teaser ng pelikula ni Darryl Yap na “The Rapists of Pepsi Paloma” na nang-rape umano sa yumaong sexy star.

Sa darating na May 31, 2025 gugunitain ang ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni Pepsi Paloma.

The post Kampo ni Vic sa kaso ni Darryl Yap: We believe that justice will soon be served appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments