VP Sara binasag ni De Lima, ‘drama’ lang pagkumpara kina Duterte, Ninoy

Sara Duterte, Ninoy Aquino, Leila de Lima at Rodrigo Duterte
“DRAMA” lang kung ilarawan ni dating Sen. Leila de Lima ang pahayag ni Vice President Sara Duterte patungkol sa kanyang amang si former President Rodrigo Duterte.
Sinupalpal ng dating senadora ang sinabi ni VP Sara na baka raw matulad ang ama niyang nakakulong ngayon sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Netherlands, kay dating Sen. Ninoy Aquino.
Ayon kay De Lima, kung anu-ano na ang pinalalabas ng kampo ni Duterte upang makatakas ito sa kanyang mga pananagutan sa batas.
Sa kanyang X post kahapon, March 24, ipinagdiinan ni De Lima na ibang-iba ang sitwasyon ng tatay ni Kris Aquino at ng yumaong pangulong Noynoy Aquino sa nangyayari ngayon kay Duterte.
“Ninoy Aquino returned to the Philippines knowing it could cost him his life. His courage was for the nation, for democracy, for the Filipino people,” pahayag ni De Lima.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “Duterte’s drama today is nothing but a desperate attempt to escape accountability.
“Justice isn’t swayed by melodrama, only by truth. And history will always know the difference,” paliwanang pa ng dating senadora na ilang taon ding nakulong dahil sa umano’y involvement niya sa ilegal na droga.
Naapawalang-sala rin kalaunan ang dating senadora matapos mapatunayan na wala siyang kinalaman sa mga ibinibintang sa kanya.
Nauna rito, binigyan nga ng warning ni Vice Sara ang ama sakaling magpumilit itong umuwi na sa Pilipinas. Feeling niya, matutulad si Duterte sa sinapit ng yumaong senador na si Ninoy Aquino kapag bumalik na ito sa Pilipinas.
Inamin ng bise presidente na nag-aalala siya sa kaligtasan at seguridad ng ama pero lagi raw nitong pinipilit na iuwi na siya sa bansa.
Sa speech ng bise presidente sa naganap na meet-and-greet event na in-organize ng supporters ni Duterte sa Het Malieveld The Hague, Netherlands, nabanggit nitong lagi siyang tinatanong ng ama kung maiuuwi na siya sa Pilipinas.
Gusto raw kasi ni Duterte na mangampanya sa darating na eleksiyon para sa kanyang kandidatura bilang mayor ng Davao City.
“Yun ang gusto niya, gusto niyang umuwi. Sinabi ko din sa kaniya yun, ‘Pa, sabi ko, ‘yung kagustuhan mo na umuwi, iyan din ‘yung katapusan ng buhay mo, magiging Ninoy Aquino Jr. ka,’” pahayag ni VP Sara.
“At sinabi niya sa akin, sabi niya, ‘Kung ganiyan ang kapalaran ko, then so be it. Basta lang mauwi ako sa Pilipinas,’” dugtong pa niya.
Noong Agosto 1983 nang barilin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Aquino, na kilalang hayagang kritiko ng ama ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., matapos ang 3 taong exile niya sa United States.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si FPRRD matapos siyang arestuhin noong Marso 11 dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.
The post VP Sara binasag ni De Lima, ‘drama’ lang pagkumpara kina Duterte, Ninoy appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments