Xian Gaza binantaan mga kakalaban kay Ogie Diaz: My idol, the legend!
![Xian Gaza binantaan mga kakalaban kay Ogie Diaz: My idol, the legend!](https://bandera.inquirer.net/files/2025/02/GridArt_20250210_203747790-1200x845.jpg)
Xian Gaza at Ogie Diaz
BINANTAAN ng tinaguriang “Pambansang Marites” at social media personality na si Xian Gaza ang lahat ng mangnenega at babangga kay Ogie Diaz.
Nag-post si Xian sa kanyang Facebook account ng litrato nila ni Ogie na magkasama. Pero hindi binanggit ni Xian kung saan sila nagkita ng content creator at online host.
“Kung sino ang kakalaban sa taong ito ay paki-consider na rin ako as your kalaban. Salamat.
“Finally ay nakapag-bless na ko sa Top 1 ng Pilipinas. Ikaw po ang aking tinitingala pagdating sa larangan ng tsismis. My idol, the legend, Ogie Diaz,” ang nakalagay sa caption ni Xian Gaza.
Nagkomento naman agad si Ogie sa tila pananakot ni Xian sa mga netizens. Aniya, “Hahahaha! Kalokah!”
Baka Bet Mo: Xian Gaza nag-sorry sa mga socmed followers: Naging sobrang toxic ako…promise babawi po ako…
Ipinagtanggol din ni Xian ang YouTube channel ni Ogie laban sa mga bashers na palaging nagsasabing puro tsismis lang daw ang laman ng kanyang vlog.
Sey ni Xian palagi naman daw vindicated si Mama Ogs in the end dahil lumalabas na totoo naman pala ang lahat ng kanyang ibinabalita.
Kung matatandaan, kaliwa’t kanang banat ang natikman ni Ogie mula sa mg X (dating Twitter) users dahil sa inispluk niyang balita abour Daniel Padilla and Andrea Brillantes noong November, 2023.
Si Andrea kasi ang itinuturong dahilan umano ng pagkawasak ng relasyon nina Daniel at Kathryn Bernardo.
The post Xian Gaza binantaan mga kakalaban kay Ogie Diaz: My idol, the legend! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments