Responsive Ad

Herlene Budol: Wala pong nagtanggol sa akin, lahat talaga hinusgahan ako!

Herlene Budol: Wala pong nagtanggol sa akin, lahat talaga hinusgahan ako!

Herlene Budol

SINARIWA ng Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol ang mga pinagdaanan niyang pagsubok nang masangkot sa ilang kontrobersya bago matapos ang 2023.

Talagang down na down daw siya noon dahil feeling niya ay wala siyang kakampi habang hinuhusgahan ng mga tao kahit hindi naman alam ng mga ito ang tunay na mga pangyayari.

Ang tinutukoy ni Herlene ay ang iskandalo kung saan kumalat ang umano’y palitan nila nila ng private message ng Kapuso actor na si Rob Gomez, ang naging leading man niya sa seryeng “Magandang Dilag.”

“Wala pong nagtanggol sa akin. Lahat po talaga hinusgahan ako,” ang pahayag ni Herlene sa panayam ng GMA.

Todo ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya at kay Lord dahil nakayanan niyang harapin at napagtagumpayan ang lahat ng dumating na mga pagsubok sa buhay niya.

“Doon ko po napatunayan na kahit anong mangyari nandiyan ang pamilya mo. Sabi ko, ‘Nay sabihin mo kay Lord, hindi naman po ako masamang tao. Sabihin mo kay Lord, Nay, na nagmahal lang po ako,’” ang sey pa ni Herlene.

Baka Bet Mo: Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Habang pilit na hinaharap ang mga kinasangkutang kontrobersiya, mas pinili na lamang ni Herlene na pagtuunan ng pansin ang sarili at ang pagtatrabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Parang mas masaya po akong mag-focus muna din po muna sa trabaho ko at sa sarili ko. Kumpara kung mag-focus ako sa mga taong sisirain lang naman ‘yung aking puso,” sabi ng dalaga.

Sey pa ni Herlene, napatawad na niya ang lahat ng mga nasangkot sa isyu, pati na rin ang mga bashers na halos ipako na siya sa krus noong kasagsagan ng isyu sa kanila ni Rob.

“Thank you for making me strong,” ang message ni Herlene sa mga haters.

Samantala, nagsimula na kahapon ang bago niyang afternoon Kapuso series na “Binibining Marikit” kasama si Pokwang at ang dalawa niyang leading man na sina Tony Labrusca at Manhunt International winner na si Kevin Dasom.

Kuwento ni Herlene sa naturang panayam, si Tony raw ang una niyang naka-close sa set ng “Binibining Marikit.”

“Si Tony. Obvious naman kasi, hindi ko kaya kausapin kaagad ‘yung AFAM (Kevin). Inaangkop niya ‘yung sarili niya kahit hindi niya ako maintindihan. Kala mo nga, nagsa-sign language lang kami,” chika ni Herlene.

Proud na proud daw ang aktres sa “Binibining Marikit” na mas marami rawnl hatid na good vibes sa mga manonood.

“‘Yung Magandang Dilag po last year, ito parang mas pina-light nang kaunti, mas pinasaya, pero alam niyo pong talaga may puso. ‘Yung tipong mas magkadikit si Herlene at si Marikit kumpara kay Gigi ng Magandang Dilag.

“Ang first week po, masaya. Masaya lang. Makikita nyo dito kung paano makipag-bonding ang isang Marikit sa kaniyang ama.

“Kung makaka-relate po dito ‘yung mga single father, single mother na talagang nag-aalaga at tinataguyod nila ‘yung kanilang mga anak nang mag-isa,” pagbabahagi pa ni Herlene.

The post Herlene Budol: Wala pong nagtanggol sa akin, lahat talaga hinusgahan ako! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments