Misis buking na nakipag-sex si mister sa masahista: Buntis ako nu’n!
![Misis buking na nakipag-sex si mister sa masahista: Buntis ako nu'n!](https://bandera.inquirer.net/files/2025/02/Screenshot_20250209-150048_WhatsApp-700x421.jpg)
Stock image
MAGWAWALA ka ba o basta tatahimik na lang kung nabuking mo ang dyowa mong nagpunta sa motel at nag-hire ng massage therapist with matching “happy ending”?
Iyan ang gumugulo sa isip ngayon ng isang first-time nanay na nahuling nag-cheat ang kanyang live-in partner na nakipag-sex sa isang masahista nang mag-check in sa isang motel.
Sa open letter ng anonymous sender sa Facebook page na Peso Sense, sinabi nito na pitong taon na silang nagsasama ng kanyang dyowa at meron na rin silang anak na 9 months old na ngayon.
“Me and my partner is living together for 7 years. Wala kaming problema.
“We are financially stable, we have a high paying job, a business, a car, a house na soon ay lilipatan na namin, a loving family and I just gave birth to a lovely baby girl 9 months ago,” simulang pagkukuwento ni mommy.
Baka Bet Mo: Pagsabak sa showbiz ni Rabiya kinontra; ituloy na lang daw ang pagiging physical therapist sa US
Patuloy pa niya, “Suddenly, nahuli ko sya na nagcheat. Di ko naimagine na magagawa nya yun kasi almost perfect yung relationship namin though wala naman talagang perfect.
“He went to a motel and hired a massage therapist with extra service. As per him, t’was happened when I’m pregnant,” lahad pa ng letter sender.
Kasunod nito, humingi nga ng payo si mommy sa mga netizens kung paano niya iha-handle ang problemang ito sa pagsasama nila ng ka-live in. Nakikita naman daw niya ang sincerity ng dyowa niya nang sabihin nitong hindi na niya uulitin ang ginawang panloloko sa kanya.
“Any advise po kung ano ang gagawin nyo? Are you going to forgive and forget or ano po ba dapat?
“Forgive and forget kasi may anak kami at naaawa ako sa baby ko na mawalan ng daddy?
“Nafifeel ko naman po yung sincerity nya na hindi na nya uulitin pero as a girl and as a first time mom na kakapanganak lang, ang hirap hirap tanggapin.
“Any advise please. I know maling mali yung ginawa nya pero if you were in my place, ano po gagawin nyo? Salamat po,” ang kabuuan ng letter ng problemadong mommy.
Mga ka-BANDERA pasok! Ano sa tingin n’yo ang dapat gawin ni Ate Gurl? Payuhan n’yo nga siya.
The post Misis buking na nakipag-sex si mister sa masahista: Buntis ako nu’n! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments