Tito Sen sinagot rebelasyon ni Ely Buendia sa TVJ: The feeling is mutual

Ely Buendia, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon
Trigger warning: Mention of rape
GAME na game na sinagot ng TV at movie legend na si Tito Sotto ang mga tanong tungkol sa naging pahayag ng OPM icon na si Ely Buendia.
Muling nabuhay ang mga isyu na bumabalot sa pagpapakamatay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma dahil sa pagsasapelikula ng kanyang buhay mula sa controversial director na si Darryl Yap.
Kasabay nito, muli ring pinag-usapan ang tinatawag nilang “myth” sa likod ng hit song ng dating grupo ni Ely na Eraserheads, ang “Spolarium”.
Ayon mga tsismis, ginawa raw nina Ely ang kanta para sa umano’y panggagahasa kay Pepsi Paloma dahil ang ilang lyrics nito ay tumutukoy sa nasabing rape case.
Pero sa presscon para sa upcoming documentary film na “Eraserheads: Combo on the Run” ay nanindigan si Ely na walang kinalaman ang TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon) at si Pepsi sa “Spolarium.”
“I was really heartbroken when that thing came out because I was such a huge fan of…they were my heroes. And I wouldn’t dream of writing a song to, you know, to tarnish my heroes.
View this post on Instagram
“So I think that’s the most ridiculous and real mean thing until today. That’s not about them, it’s not about Pepsi,” aniya pa.
Nakapanayam ng ilang members ng press si Tito Sen sa naganap na presscon ng mga kakandidatong senador under Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa darating na midterm elections.
Isa nga sa naitanong sa kanya ay kung ano ang masasabi niya sa naging pahayag ni Ely Buendia na mga idolo niya ang TVJ at mataas ang respeto niya sa mga ito.
“Si Ely? Yeah, yeah, we love his music. We support his music, and ‘yung grupo nila noon,” ani Tito Sen.
At sa sinabi ni Ely na tinitingala niya at itinuturing na mga bayani ang TVJ, lalo na sa larangan ng musika, “Oh, thank you so much. Thank you so much!
“Pero sila ang mga bagong heroes ng entertainment industry, especially the music industry. Sila naman yun. And The feeling is mutual,” ang sabi pa ni Tito Sen.
Samantala, natanong din siya kung ano ang feeling ngayong aalis uli siya pansamantala sa “Eat Bulaga” para sa muli niyang pagsabak sa politika.
“The last 3 years, we definitely enjoy the therapy of ‘Eat Bulaga’. Enjoy kami roon. And we’re very fortunate to win all the cases we filed,” sagot ni Tito Sen.
Wala naman daw siyang nararamdamang awkwardness sa pagbabalik niya sa public service, “I was always in touch with my colleagues in the Senate.
“As a matter of fact, hindi naman nawawala sa pagkuwento ang mga dating senador, lalo na yung mga inabutan ko riyan,” sey ng veteran at iconic TV host-comedian.
Dagdag pa niya, “I hope they’re not only forgotten my name, I hope they’re not forgotten what I have done in the past 24 years in the Senate.”
The post Tito Sen sinagot rebelasyon ni Ely Buendia sa TVJ: The feeling is mutual appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments